"About pala sa nangyari kahapon. Sa tingin mo, nandito lang din sa school ang gumawa? I can't believe pati dito nagagawa ang ganoong klaseng pag patay, akala ko ikaw na ang kilala kong brutal eh."
Tanong sa akin ni Saturn habang nag lalakad sa parking.
Nalaman na din nila Henry ang nangyari sa school, kaya pilit niya kaming binibigyan ng bodyguard.
Pero nadaan ko siya sa takot.
Sinabi kong aalis ako sa bahay niya kung ipipilit niyang bigyan kami ng bodyguard.
Alam kong nahirapan siyang mag desisyon, dahil iniisip niya ang kaligtasan ko at ang pag alis ko sa puder niya.
Pero wala na siyang nagawa, ayaw niya akong umalis kaya sa huli hindi na niya ipinilit ang gusto niya.
Hindi naman talaga ako aalis ng bahay. Not yet. Dahil hindi pa tapos ang misyon ko.
And speaking of, kagabi bago ako matulog naisip ko na 'to.
"Uumpisahan ko na ang misyon ko."
Natigil si Saturn sa paglalakad, pero ako tuloy lang.
"H-hindi pa natin alam ang totoong dahilan kung bakit pinatay nila ang mommy mo. Kira 'wag kang mag madali."
Sabi niya ng maka habol sa akin.
"I don't care about the reasons, sapat ng alam ko na si Henry ang isa sa likod ng pagkamatay ng mommy ko. Kaya ako naman ang nasa likod kung bakit mamamatay ang mga anak niya."
"H-how about the necklace. Your necklace. Hindi pa natin nahahanap 'yun. Hindi tayo pwedeng umalis dito ng hindi nakikita ang kwintas mo. Mahalaga sayo 'yun di ba?"
"Mahalaga nga ang kwintas ko. Pero mahalaga din ang misyon ko. Makakapag hintay ang kwintas na 'yun dahil alam naman natin na kay Felix lang 'yun."
"Paano kung wala sa kanya."
Ako naman ang napa hinto at tinignan siya.
"Kung wala sa kanya hahanapin ko. Matagalan man ako sa paghahanap, ayos lang basta na natapos ko na ang misyon ko."
Kesa naman unahin ko ang kwintas ko. Ayoko ng mag tagal sa bahay ng Henry na 'yun.
"Kira baka naman pwede mo pang---"
"SOPHIA!!"
Napatingin kami kay Bruno na tumatakbo papunta sa amin.
"Halika sumama ka dali!!"
Hinila nanaman ako ni Bruno tulad ng ginawa niya sa akin kahapon.
May panibago nanaman bang pinatay? Tss. Ano bang pake ko doon.
Huminto kami sa mga nagkukumpulang estudyante.
"Tabi! Tabi!"
Binitawan ni Bruno ang kamay ko at pilit na hinihila ang mga tao paalis para maka daan kami.
Napansin ko din na pinagtitinginan nila ako at nag bubulong bulungan.
Ano nanaman 'to? Akala ko ba aayusin ni Hunter 'to. Tss.
"Dito ka at tignan mo 'to."
Ng magka daan na kami hinila niya ako at dinala sa unahan.
Nakita ko din si Celine na nasa unahan at seryosong naka tingin sa kung ano man ang meron sa unahan niya.
"Tignan mo na!"
Mula sa likod ko ay hinawakan ni Bruno ang mukha ko at pilit na pinatingin sa unahan ko.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
