Jasper's POV
"Good morning iho, kain na."
Lumapit ako kay mom to kiss her on the cheek.
"Morning mom."
Pagka tapos kay mommy ay kay dad naman at sa kambal. Napansin ko naman na wala si kuya.
"Where's kuya?"
Tanong ko ng maka upo na ako.
"Umalis ng maaga, may kikitain daw."
Si dad ang sumagot. Tumango na lamang ako at nag umpisa na ding kumain.
"Usher please sweetie, finish your food. You too Ashton."
Napatingin ako sa kambal, tulad ng mga nakaraang araw mula ng biglaang mawala sila Sophia at Saturn. Ganito na ang kambal, tumamlay at laging walang ganang kumain, hindi ko na rin napapansin na nag iingay sila.
Ang akala namin ay baka na trauma sila sa nangyaring pag sugod ng mga di namin kilalang mga lalake, pero ng dalhin namin sila sa doktor maayos naman ang test. Hanggang sa na tanong nga namin sila at namimiss lang daw nila sila Saturn at Sophia.
Well, hindi lang naman sila ang nakakamiss, kami din.
Lalo na si dad, mula ng masabi ni Sophia ang tungkol sa mommy niya lagi na lang din siyang lutang, minsan nga naririnig ko na sinisisi niya ang sarili niya. At buti na lang din ay understanding si mommy na nagulat sa sinabi ni Sophia at nalulungkot para kay Saturn.
Hindi man sila maniwala pero nasasaktan din kami para sa kanila, pamilya namin sila kaya kung masaya sila, masaya kami. Kung nasasaktan sila, nasasaktan din kami.
Ilang araw na din na ayos 'tong bahay at lumipat agad kami. Pero walang pinabago sila dad sa mga kwarto, meron pa rin sila Saturn at Sophia, hindi man namin alam kung babalik pa sila pero sabi nga ni dad na laging bukas ang pinto ng bahay para sa kanila, at lalo na daw ngayon na kailangan na kailangan nila ng makakasama.
Wala man kaming ideya kung sino 'yung mga nasa video message noon, pero doon lang din namin nalaman na kapatid ni Saturn ang brutal na pinatay, at mga kaibigan nila ang ibang biktima.
Actually, 'yung isa nga lang ang kilala ko. 'Yun yung lalake na gumamot kay Sophia noon at isa sa mga nagligtas sa akin noong na kidnap ako.
Hindi namin alam kung ano ang koneksyon nila Kira sa lalakeng napanuod namin. Kaya hanggang ngayon ay sobrang nag aalala kami sa kanila. Lalo na kay Sophia, malakas kasi ang kutob namin na siya ang tinutukoy ng lalake.
I asked Nathan na hanapin 'yung Black Corpse na narinig namin. At nagulat kami sa nalaman namin, isa iyong organisasyon na binubuo ng mga miyembro mula sa iba't ibang mafia. Kaya lalo akong natakot para sa kanilang dalawa, anong konek nila doon? Anong konek ng kapatid ko doon?
Hindi iyon alam nila daddy, ayoko na rin sabihin para hindi na madagdagan ang pag aalala nila.
"Kuya Jasper."
Napatingin ako kay Usher na malungkot na naka tingin sa akin.
"Let's call ate Sophia again. I miss her na."
Eto ang lagi niyang kinukulit sa akin. Ang mga unang tawag ko, nag riring lang. Pero ang mga sumunod na ay hindi ko na siya makontak.
"Sorry Ush, ganoon pa din."
Lalong lumungkot ang itsura niya at inubos na lang ang gatas niya.
"Ok lang 'yan anak, susubukan pa din ni kuya mo na tawagan ang ate mo. Let's go, naghihintay na ang driver sa inyo."
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AcciónHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
