Third Person's POV
Pabagsak na lumabas ang lalake sa kanyang sasakyan habang hawak ang duguang balikat.
Mula sa malaking tarangkahan ay lumabas ang isang lalake na naka suot ng pang laboratoryo at may hawak na payong.
"Boss!!"
Tinulungan niya ang lalakeng naka higa sa lupa na, na uulanan at nahihirapang idinala sa loob ng bahay.
Inilapag ng lalake ang kanyang amo sa mahabang upuan at pabalik balik na naglalakad habang kagat ang kuko, dala ng pagkakataranta dahil sa dami ng dugong dumadaloy sa balikat at braso ng kanyang amo.
"Waaaa!!! Anong gagawin ko! Anong gagawin ko!!"
Ng hihinang napa pikit ng mariin ang lalakeng sugatan at hinila ang dulo ng suot na pang laboratoryo ng kaharap dahilan upang lumapit eto sa kanya.
"Idiot! You're a doctor!!"
Sigaw niya sa natatarantang lalake, at itinulak eto palayo sa kanya.
Napa upo naman ang lalake sa sahig at inayos ang suot na salamin.
"O-Oo nga pala!! Teka lang boss!"
Nagmadaling tumayo ang lalake upang kunin neto ang kanyang gamit pang gamot.
Ng maka balik ay umupo agad siya sa tabi ng kanyang amo at inalis ang suot na damit upang magamot eto ng maayos.
"Ano na naman ba kasi ang nangyari boss?"
Tanong niya at sinimulan na niya etong gamotin.
"Tsk! Tsk! Bumuka na naman ang tahi oh."
"Stop whining, tss."
Ginaya ng lalake ang boses ng kanyang amo sa nakaka tawang tono at itinuloy ang pag lilinis ng sugat.
"Oh, ayan ok na. Mission pa more ha, para di gumaling 'yang sugat mo."
Inalis ng lalake ang suot na guwantes at inayos muli ang gasa na kanyang inilagay sa balikat ng kanyang amo.
"Oo nga pala boss, nag punta dito si--"
"I'm hungry."
Napa tingala ang lalake sa kanyang amo ng tumayo eto at nag tungo sa kusina.
Napa iling na lamang siya at inayos ang mga ginamit sa pang gagamot.
Ng siya ay matapos ay sinundan niya ang kanyang amo, at manlake ang mata sa nakikita kaya't mabilis siyang tumakbo at inagaw ang pagkain.
"Boss!!!! 'Wag 'to!! Kay destiny 'to eh. Eto kainin mo."
Binalik ng lalake ang pagkain sa pinaglalagyan neto at inilayo iyon sa kanyang amo.
"Who's destiny? Nag dala ka ng babae dito? Sa bahay ko?!"
Bahagyang napa atras ang lalake sa pag taas ng boses neto.
"Hoy hindi ah! Sa coffee shop ko nakita ang destiny ko, na iwan niya kasi 'tong pina take out niya. Akala ng waiter magkasama kami, eh makiki upo lang naman ako dahil tatapusin ko 'yung minamadali mong paper works sa akin. Kaso biglang umalis si destiny, dahil sa akala ng waiter na magkasama kami ibinigay niya sa akin 'to. Kaya bawal 'tong kainin, eto lang ang alaala ko sa kanya. Tsaka ikaw lang ba pwedeng magka love life, ako din 'no. Hmp!!"
"Tss."
Tumalikod ang lalake sa kanyang amo at naka ngiting pinagmamasdan ang hawak na pagkain at niyakap iyon.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AcciónHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
