Kira's POV
Pag pasok ko ng gate at habang naglalakad papasok, nakita ko si Saturn na naka upo sa hagdan ng front door, nakapalumbaba at ang laki-laki ng ngiti.
"Tss."
Bulong ko habang blangkong naka tingin sa kanya at bago ko siya lagpasan at pumasok sa loob.
"Uyy!! Sandali, wala bang kwento diyan?"
Habol niya sa akin.
"Gusto mo ng kwento?"
Tanong ko, huminto naman ako at hinarap siya.
Sunod-sunod ang pag tango niya at hindi mawala wala ang pagkaka ngiti.
Sinenyasan ko siyang lumapit, at pag lapit ng tenga niya sa akin ay agad ko iyong piningot.
"ARAAAAAAAAAYYY!!!"
"Sa susunod na ipagtulakan mo ako sa kanya, ikaw ang itutulak ko sa bangin."
Banta ko at binitawan na ang tenga niya at dumiretso na ako sa kusina.
Wala akong almusal at tanghalian kaya gutom na gutom ako.
"Nandito na ba lahat? Good for one-week lang ang mga 'to. HIndi bale, mag gogrocery ako para marami siyang stock. Hindi ako sanay na hindi nakikita ang Jassi ko."
Bago ako makapasok sa kusina, rinig ko ang boses ni Elizabeth. Pagsilip ko, may kausap siyang katulong at may inaayos siya sa loob ng eco bag.
Tinignan ko ang itsura niya, hindi siya naka ngiti at may hawak siyang tisyu na maya't maya ay ipinupunas niya sa mata niya.
Hinihimas din ng katulong ang likod niya.
Pumasok na ako kaya napunta sa akin ang atensyon niya.
"S-Sophia, naka uwi ka na pala. Teka mag hahain ako para maka kain ka na, kanina ka pa walang kain."
"Kay Jasper ang mga 'to?"
Tanong at turo ko sa eco bag.
"Oo. Dadalhin niya sa--"
Hindi ko na siya pinatapos, kinuha ko na ang eco bag at lumabas sa kusina.
"Ate Sophia!"
Nadaanan ko ang kambal at si Saturn na nilalaro si Bella. Tinanguan ko lang sila at umakyat na sa hagdan.
Pagdating ko sa taas.
Dirediretso akong pumasok sa kwarto ni Jasper ng hindi kumakatok at hinagis sa kanya ang eco bag na na salo naman niya.
"S-Sophia."
Tinignan ko ang mga maleta na naka latag sa kama niya at ilang mga gamit.
Nakita niya na pinagmamasdan ko ang mga gamit niya kaya malungkot siyang yumuko.
"Lumapit ka nga dito."
Inangat niya ang mukha niya, at nagtatakang nakatingin sa akin.
Pero agad naman siyang lumapit.
Tinignan ko muna siya diretso sa mata, at pinitik ng malakas sa noo.
"Ouch!! What was that for?! Ang sakit nun!!"
Angal niya habang hinihimas ang noo niya.
"Pag nakita kita na lumabas sa gate na bitbit ang lahat ng mga 'yan. 'Wag ka na talagang bumalik dito." Banta ko.
Nakanganga naman siyang nakatingin sa akin.
"Tss."
Lumabas na ako sa kwarto niya at pumasok naman ako sa kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/80706346-288-k236589.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.