Chapter 40

12.5K 416 30
                                    

Halos lahat ng atensyon ay napunta kay Kira.

Nagtataka silang sinundan nila eto ng tingin hanggang sa maka pasok eto sa loob ng bahay.

"Saturn, anong nangyari kay Sophia?"

Lumapit si Jasper kay Saturn at tinanong siya ngunit tulala pa din eto.

"Saturn!"

Tsaka lamang natauhan si Saturn ng pumitik ng tatlong beses si Jasper sa harapan niya.

"H-huh?"

"Ang sabi ko bakit nagmamadali si Soph--hey!"

Hindi na natapos ni Jasper ang sasabihin ng mabilis na tumakbo si Saturn papasok din sa loob ng bahay.

Halos madapa si Saturn sa pagtakbo dahil sa pagmamadali niyang makapunta sa kwarto ni Kira.

Ng makita ang marka na nasa likod ng armadong lalake, ay agad siyang kinabahan. At biglang natakot para sa kapatid.

Dahil sa pagtataka nila Jasper, Nathan at Felix sa inakto ng dalawa ay sinundan nila ang mga eto sa loob.

"Anong nangyayari? M-meron pa rin ba?"

Kinakabahang tanong ni Elizabeth sa kanyang asawa.

"Hindi ko alam."

Sagot ni Henry, at tinawag si Marcus at ang babaeng katabi ng anak.

"Iha, pasensya na pero ano ang pangalan mo?"

Tanong niya.

"Pamela po sir."

Sagot naman sa kanya.

"Ahh. Nasabi mo kanina na isa kang pulis, maaari bang humingi ng pabor?"

Nagtatakang tumango si Pamela.

"Pwede bang 'wag kang tatawag ng ibang mga pulis?"

"Ho? Pero sir--"

"Kakausapin kita mamaya, pero sa ngayon ay pwede mo ba munang bantayan ang mag iina ko?"

Napatingin si Pamela kay Elizabeth at sa kambal.

"S-sige ho sir."

"Salamat. Marcus tara."

Na una ng umalis si Henry upang sundan ang mga na unang pumasok sa loob ng bahay.

Samantalang na abutan ni Saturn si Kira sa tapat ng kanyang laptop na naka taob. Hindi alam ni Kira kung bakit natatakot siyang kunin iyon.

Ng magkaroon ng lakas ng loob, dinampot niya iyon at ipinatong sa magulo niyang mesa. Nanghihina siyang itinayo ang upuan na naka tumba.

Umupo siya at inangat ang laptop niya, naka bukas iyon at makita ang isang mensahe.

Dahan-dahan at tila naninigas na lumapit si Saturn sa likod niya.

Nakita ni Kira na hindi iyon galing sa kahit na sino sa mga pinagdalhan niya ng mensahe.

Halos sabay naman na dumating sila Felix at Henry, at makita ang itsura nila Kira at Saturn na naka tingin lang sa laptop.

Nanginginig ang kamay ni Kira na binuksan ang mensahe na 'yun.

Pagbukas niya ay isang napaka pamilyar na lalake ang bumungad sa kanila, na ikinalamig ng katawan nilang dalawa.

Naka upo eto at naka ngiti na tila isang demonyo.

[Bonjour! Mon amour.]

[Hello! My love]

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon