Pamela's POV
"Oh noong isang araw lang, ang ganda ganda ng ngiti mo. 'Yung ngiting sinuko-ko-na-ang-bataan. Tapos ngayon, para kang na buntis at tinakbuhan ng ama."
"Please, Erick. Huwag ngayon, ang dami kong iniisip eh. Wag ka na munang sumabay."
Wala talaga ako sa mood na makipag asaran sa kanya.
Hindi pa rin ako nakaka move on sa katangahan ko noong isang araw.
Napahiya ako sa mga nakatataas, napahiya ako kay ninong at napahiya ko siya.
Kaya ganoon na lang siguro ang galit niya noon.
Inalis niya ang tingin sa harap ng computer niya at tumayo siya papunta sa harap ko.
"Anong nangyari sa promotion mo? Lumagapak? Sabi ko naman kasi sayo, napaka imposible ng ginagawa mo at gustong mangyari. Alam mo, isa ka sa mga hinahangaan kong pulis, dabest ka nga na partner eh. Pero di ko inakala na gusto mo rin pa lang maging super hero."
This time tinignan ko na siya ng masama, pero hindi natinag ang pagkaka ngiti niya.
"Alam mo, isa ka sa mga manyak dito. Pinapatay nga kita sa isip ko eh. Peste ka talaga!!"
Sabi ko sabay bato ng susi na hawak ko.
Natatawa siyang nasalo iyon, at hinagis din sa akin pabalik.
Tumingin ako sa relo ko at nag handa na para sa duty ko.
"Hintayin mo lang yung promotion ko. At pag nangyari 'yun, ipapa tapon kita sa South China sea!"
Kinuha ko na ang ilang gamit ko at umalis na, iniwan ko na siyang tumatawa ng malakas sa pwesto namin.
Tignan lang natin. Mapatunayan ko lang talaga sa kanila ang kutob ko.
Palabas na ako ng station ng dumating si ninong.
Huminto ako at sumaludo pero wala man lang akong response na nakuha mula sa kanya.
Dati kasi palihim siyang ngumingiti sa akin. Pero ngayon, dumaan siya sa harapan ko pero parang hangin lang ako sa kanya.
Hay nako!! Kailangan ko talaga mag sorry kay ninong.
Pero kailangan ko na munang patunayan na tama ako.
Sumakay na ako sa police car na naka parada at pupunta sa highway kung saan ako naka duty.
Kaya eto, polusyon ang kapilang ko buong araw at sa mga susunod pa na araw. O linggo. O buwan. Taon.
Naku!! 'Wag naman sanang taon.
Pagdating ko sa lugar ko lumabas ako ng sasakyan at nilapitan ang mga kasamahan kong pulis.
Nagulat pa nga sila kung bakit daw ako nandito.
Sinabi ko na lang na gusto kong lumanghap ng polusyon.
Ssrrchhh!!
[White Ford Mustang papunta sa posisyon niyo. Beating the red light. MHF 318 ang plate number. I repeat, White Ford Mustang, MHF 318.]
Lumapit ako sa police car na gamit ko at kinuha ang radyo.
Ssrrchh!!
"Copy."
Sagot ko sa kabilang linya.
Umayos ako ng tayo at hinanap ang tinutukoy niyang sasakyan.
At hindi naman ako nahirapan dahil klaro naman ang detalye.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
