France
"Nous sommes ici madame."
[We are here madam.]
Tinignan ni Kira ang pamilyar na lugar kung saan huminto ang sinasakyan nila.
Hinawakan ni Kira ang mukha ng natutulog na si Saturn sa balikat niya.
"Saturn, wake up."
Hinalikan ni Kira ang ulo ni Saturn at inilapit sa kanyang dibdib ang kanilang kamay na magka hawak. Gumalaw ng bahagy si Saturn kaya muli niya etong tinawag.
"We're here."
Umalis sa pagkakasandal si Saturn kay Kira at umayos ng upo. Tumingin siya sa paligid at pagka tapos ay kay Kira na nginitian siya.
Kumuha ng pera si Kira at ibinayad iyon.
"Gardez la monnaie."
[Keep the change]
Nagulat ang lalake sa laki ng ibinigay neto.
"J-je vous remercie beaucoup madame!"
[Thank you very much madam]
Tinanguan lamang eto ni Kira at muling hinawakan ang kamay ni Saturn at sabay na bumaba.
Naka alis na ang sinakyan nila ngunit naka tayo pa din sila sa tapat ng maliit na tarangkahan. Hinawakan ng mahigpit ni Kira ang kamay ni Saturn at nilakasan ang loob na pumasok.
Pag pasok nila ay malakas na hangin ang sumalubong sa kanila.
Biglang nanlamig si Kira hindi dahil sa lamig ng panahon o dahil sa lakas ng hangin, nanlamig siya ng makita ang itsura ng tinitirhan na dati ay puno ng tawanan, kulitan at pagmamahalan.
Binitawan ni Kira ang kamay ni Saturn at ang gamit niya, pinuntahan niya ang naka tumba na kahoy na upuan. Ng maitayo ay hinaplos niya iyon.
Iyon ang upuan na lagi nilang inuupan lahat at magkaka sabay na pinapanuod ang paglubog ng araw na may kasamang alak.
"À votre santé!!!"
[Cheers]
Bumuga siya ng hangin at tumingin sa kalangitan upang pigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mata.
Pakiramdam niya ay bumabalik ang lahat.
Binalikan niya si Saturn at muling hinawakan ang kamay at sabay na naglakad.
Pagtapak nila sa hagdan ay muli na namang bumalik ang lahat ng masasayang alaala. Hindi na niya kailangang buksan ang pinto dahil bagsak na eto.
Nahinto siya sa pagpasok sa loob, tinignan niya ang tapakan at nagpunas ng sapatos at mapait na ngumiti.
"Aya! Aya! T-tanda masakit!!!"
[Ouch! Ouch!]
"Baboooo!!! Anong gamit ng mat diyan kung hindi mo gagamitin?! Ang dumi dumi na tuloy ng bahay!!"
[Stupid]
Ng matapos sa pagpupunas ay tuluyan na silang pumasok sa loob ng bahay. Dahilan upang madagdagan ang sakit na nararamdaman niya, ngayon na nakita ang kabuoang itsura ng kanilang bahay.
Pumikit siya at naramdaman ang malagim na nangyari. Kinagat niya ang pang ibabang labi upang pigilan ang pag luha.
Pagdilat niya ay nag lakad siya, at nahinto ng may natakapan na mga basag na bagay.
Yumuko siya upang kunin iyon, pagtingin niya ay iyon ang kanilang litrato, lahat ay mga naka ngiti. Basag na ang salamin ngunit buo pa ang pinaglalagyan nun kaya ibinalik niya iyon sa pagkaka sabit sa dingding.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
एक्शनHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.