Chapter 9

18.4K 479 22
                                    

"Good morning miss Sophia."

Nilagpasan ko lang 'yung katulong na bumati sa akin, pagdating ko sa dine in area kumpleto na silang lahat.

"Good morning sis."

Bati sa akin ni Jasper, pero nilagpasan ko lang din sila at dumiretso sa kusina.

Kumuha ako ng isang mansanas, at gatas sa ref.

Pagkatapos ay lumabas na ako at muli silang nilagpasan.

"Anak, hindi ka ba kakain?"

Hindi ko pinansin si Henry.

At bago ako tuluyang maka labas sa dine in area ay na rinig ko ang pag atras ng upuan ni Saturn at nag paalam na siya.

"Salamat po sa almusal."

Palabas na ako ng bahay ng maka habol siya.

"Hindi ka ba muna kakain?"

Kinagatan ko 'yung mansanas na hawak ko at ipinakita iyon sa kanya.

"Ano bang tawag sa ginagawa ko?"

Napa nguso na lang siya at isinuot ang bag niya.

Kailan pa siya natutong mag pout? Tss.

"Sis, wait lang."

Nilagpasan kami ni Jasper at humarang sa pinto.

Tinignan ko siya at ganun din siya sa akin.

"Hindi ka mabubusog sa mansanas lang, ayos lang naman na hintayin kita."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, dumaan ako sa gilid niya pero mabilis niya ulit na iharang ang sarili niya.

Dadaan ako sa kabila, at haharangan niya ulit ako.

"Hintayin mo ako sa labas Saturn. Na alala ko na may na iwan pala ako sa kwarto."

Tinalikuran ko na sila at umakyat ng hagdan. Pag pasok ko sa kwarto ko ay tinanggal ko ang high heels ko at pinalitan iyon ng black sneakers.

Pagkasuot ko ng huli ay nagpunta ako sa balcony ko at sumilip sa baba.

Ng ok naman ay tumapak ako sa railings at hindi nag dalawang isip na tumalon.

Pag landing ko sa baba ay agad akong tumayo at naglakad ng parang walang nangyari.

Tss. Third-floor lang naman 'yun.

"S-Sis?!!" Na iikot ko ang mata ko ng marinig ko ang gulat na tawag sa akin ni Jasper.

Lumapit siya sa akin, tumingin siya sa tinalunan ko at sa akin.

"H-How did?--"

May huminto ng taxi at si Saturn ay nasa labas na ng gate at hinihintay ako.

Nilagpasan ko na si Jasper na hanggang ngayon ay naka tingin pa din sa taas.

Binuksan na ni Saturn ang pinto ng taxi at ng papasok na ako ay hinila ako ni Jasper.

Poker face akong tumingin sa kanya.

"Why riding a taxi?"

Takang tanong niya.

"I don't know. Let's go Saturn."

Hinila ko ang braso kong hawak niya at sumakay na.

Ng magpapaliwanag sana si Saturn, hinila ko ang coat niya kaya pabagsak siyang napa upo sa taxi at ako na ang nag sara ng pinto.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon