"Sophia anak?"
Kita ko sa gilid ng mata ko na, sinilip ako ni Henry sa pinto.
Ang galing mo talaga Saturn, hindi mo nanaman nilock ang pinto ko. Tss.
"Pasok na ako anak."
Tss. May magagawa pa ba ako? Naka pasok na siya.
Pag pasok niya ay lumapit siya sa akin sa study table ko.
"Do you need help?"
Turo niya sa assignment ko.
"No."
Hinila niya ang bakanteng upuan palapit sa pwesto ko at bumuga ng hangin.
"About, what happened this morning...how to explain this."
Napa buntong hininga siya at napa yuko, mukhang nahihirapan siyang sabihin 'yung gusto niyang sabihin.
Tuloy lang ako sa pag sagot sa libro ko.
"It's hard for me to say this. But, ayokong madamay ka sa gulo na lumalapit sa amin. I'm sure nasabi na sayo ni Jasper ang dahilan, knowing him. But my point is, I don't want you to get involv here and get hurt. Ngayon lang tayo nagkasama at kahit na mahirap man na sabihin, ibabalik na kita sa mommy mo. Pero don't worry anak, I'll support you financially. Wala kang magiging problema doon, and I'll visit you always kahit sa France pa 'yun."
Napa tigil ako sa pagsusulat at pinipigilan ko ang sarili ko na hindi maputol ang hawak kong ballpen o masaksak iyon sa kanya.
Sumandal ako sa upuan ko at walang gana ko siyang tinignan.
"Are you trying to get rid off me? Again?"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"No Sophia. I want you to be safe. Out of this mess."
"Then it's a no."
Naka kunot ang noo niyang naka tingin sa akin.
"Pero--"
"Paki lock na lang 'yung pinto pag labas mo."
Kinuha ko yung earphone na nasa tabi ko at inilagay ko iyon sa tenga ko.
Tulad ng lagi kong ginagawa hindi ako nag play ng kahit anong music, dahilan ko lang para umalis na siya.
Pagka tayo niya ay hinimas niya ang ulo ko sabay halik na hindi ko inaasahan.
"If you don't want to leave. Then don't, I'll do anything to keep you safe. Goodnight baby."
Sabi niya at umalis na.
Inalis ko ang earphone na nasa tenga ko at tinignan ang pinto hanggang sa mag sara iyon.
"Tss. Keep me safe my ass."
~~~~~~~~~~~~~
"Henry is so stupid and insensitive, he doesn't know that you're dead. Sabagay paano niyang malalaman, wala naman siyang pake sa atin, right mom? Minsan nga na iisip ko, why you loved him so much? You just wasted your time, effort, and your life. You should fell in love with some other guy who will love you back and deserves you. But, love sucks. And it's too late."
Itinapat ko ang kwintas ko sa liwanag ng buwan at pinagmasdan ang kinang ng mga diamante.
Mula ng isuot ni mom sa akin to noong fifth birthday ko, hindi ko na 'to inalis sa pagkaka suot.
Pakiramdam ko kasi nandito lahat ng memories namin ni mommy, at eto ang huli niyang ibinigay sa akin. Kaya pakiramdam ko pag tinanggal ko 'to o mawala sa akin, hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AçãoHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
