Chapter 17

16.6K 399 10
                                    

Pagkatapos kong maligo ng halos isang oras, nagbihis na ako ng manipis na itim na sando at fitted na short.

Sinadya ko talagang tagalan maligo para hindi sila masabayan sa dinner.

But I don't feel sorry 'cause I feel so refreshing now.

Kinuha ko ang medicine kit na naiwan ni Jasper dito sa kwarto ko noong araw na nasugatan ako.

Umupo ako sa kama at sinimulang linisan ang sugat ko, pero hindi ko natuloy ng may kumatok.

"Sophia?"

Malilintikan na talaga sa akin 'tong si Saturn. Ilang beses ko ng sinasabihan na laging ilock ang pinto ko pag lalabas siya.

Sumilip si Elizabeth sa pinto ko.

"Pasok ako ha."

Hindi ako nag salita, inalis ko na lang ang tingin sa kanya at tinuloy ang ginagawa ko.

"Ginawan kita ng gatas. Para mainitan ang sikmura mo. Hindi ka na din kasi nag dinner. Nagugutom ka ba? Magpapadala ako ng pagkain kung ayaw mong bumaba."

Umiling na lang ako bilang sagot.

Tss. Hindi ko tuloy mailagay ng maayos ang gasa sa paa ko.

"Here, let me help you."

Umupo siya sa harapan ko at inagaw ang hawak kong gasa at inalis ang naka ikot na sa paa ko.

I know how to clean my wound, but I'm suck putting the gauze.

Si Saturn naman kasi ang laging gumagawa para sa akin.

"Parang lalong namamaga ang sugat mo? Tama nga siguro si Jasper na dapat mag pahinga ka na muna. Walang pasok bukas kaya, have a rest ha."

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Nailang ako sa kanya kaya naiiwas ko ang tingin sa kanya.

"Ok, all done."

Tumayo siya pagkatapos at tumabi sa akin.

Hinawi niya ang basa ko pang buhok at kinuha ang hair brush na nasa tabi lang namin at sinuklayan ako.

Bigla naman akong nanigas at naka tingin lang sa baba habang ginagawa niya 'yun.

"I always dream to have a baby girl, 'yung ganitong masusuklayan ko siya."

Huminto siya at natawa.

"Pero lahat ng anak ko ay mga lalake."

Ng masuklayan na niya ako, hinawakan niya ang isang kamay ko at marahang pinisil.

"'Wag mo na kami pag alalahanin tulad kanina ha."

Ngumiti ulit siya.

Alam ko na kung kanino nag mana si Jasper sa pagiging palangiti. Pati itsura ng pag ngiti nila parehong pareho.

Tumayo na siya at sa huling beses ay inayos niya ang mahaba kong buhok.

"Inumin mo na 'tong gatas mo habang mainit pa. Goodnight iha."

'Yun lang at nagpaalam na siya.

Naka tingin lang ako sa pinto hanggang magsara iyon.

Why I didn't push her away when she was combing my hair?

Tss, maybe I just missed my mom. Lagi niya kasi iyong ginagawa sa akin.

Yeah, 'yun lang ang reason.

Ng may maalala ako, inubos ko na 'yung gatas na bigay ni Elizabeth at lumabas ng kwarto ko.

Pupuntahan ko si Saturn.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon