Chapter 19

16.8K 452 41
                                        

"Wooooo!! Finally, magagamit na natin 'tong sasakyan mo!! Dapat pala matagal ka ng iniwan ni Jasper eh. Para ma realize mong kailangan mo 'to."

Ibinato ko kay Saturn ang susi, wala ako sa mood na mag maneho. Noong araw kasi na sinurpresa ako nila Henry at ibigay niya sa akin ang susi, ibinigay ko din agad 'yun kay Saturn.

I don't accept gift from nobody, pero ngayon kailangan namin gamitin dahil wala si Jasper, maagang pumasok dahil may practice game daw sila.

Kesa naman ipahatid sundo kami sa bodyguards ni Henry, na matagal bago pa siya mag agree sa akin na I don't need them.

"Ui kotse ni Marcus 'yun oh. Ngayon ko na lang siya ulit nakita."

Puna ni Saturn at bumusina.

"Kuya!!"

Naka labas na kami ng gate ng makilala ni Saturn ang naka tabi niyang kotse na papasok naman sa gate.

Ibinaba ni Saturn ang bintana niya at tinawag si Marcus na ibinaba din naman ang bintana.

"So you finally used the car? Where's Jasper?"

Tanong sa kanya ni Marcus. Hindi ko sila tinitignan, diretso lang ang tingin ko.

"Pumasok siya ng maaga kuya eh, may practice daw. Tsaka kung hindi pa iniwan ni Jasper 'tong si Kira baka hindi pa niya maisip na may kotse siya."

"Iniwan?"

"Opo. Noong isang araw, hindi ko rin kasi siya na sabayan umuwi kasi may tinapos po kaming group activity. Eh hindi ko naman alam na wala si Jasper at pag balik niya sa school wala na si Kira, na ikina bahala nila--ay naming lahat pala kasi gabi na at ang lakas pa ng ulan. Buti na lang may naghatid sa kanya."

Tss. Sige mag kwentuhan na lang kayo.

Kahit hindi ako naka tingin kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sa akin si Marcus.

"I'll talk to Jasper."

Seryosong sabi ni Marcus.

"Ay naku kuya! 'Wag na. Napagalitan na siya ni daddy eh, tsaka ayos lang naman 'yun kay Kira, di ba?"

Sabay kalabit sa akin.

"Tss. Sabihin mo lang kung magku kwentuhan pa kayo, magta taxi na lang ako papasok. Nakakahiya naman sa inyong dalawa."

"Hahaha. Bentang benta talaga 'yang joke mo sa akin. Sige kuya papasok na po kami."

Sinong nagsabing nag bibiro ako tss.

Itataas na sana ni Saturn ang bintana niya ng pigilan siya ni Marcus.

"Here. Masyadong marami 'to para sa kambal."

"Wow! Donuts, favorite 'to ni Kira!"

What the! Agad akong napatingin kay Saturn ng sabihin niya 'yun.

Nagpaalam na ulit siya at isinara na ang bintana kaya agad ko siyang binatukan.

"Sinong nagsabi sayo na paborito ko 'yan? Kailan ako kumain ng matamis?"

"Haha kaya wala kang katamis tamis sa katawan eh."

Hahampasin ko sana siya ulit ng harangan niya ang ulo niya ng box ng donut habang tumatawa at nag drive na din naman.


~~~~~~~~~~~~

"Oh."

Pagdating namin sa parking inabot sa akin ni Saturn ang susi.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon