Jasper's POV
"Good morning sir Jasper." Bati sa akin ng isang guard sa gate.
"Good morning din po." Binati ko din siya at nginitian.
"Buksan ko na po ang gate."
Nagpasalamat ako at dumiretso na sa garahe. Pagsakay ko ng sasakyan hindi ko muna binuhay ang makina.
Na isip ko kasi yung nangyari kanina sa breakfast.
Hindi 'yung about sa pagiging parte ng pamilya namin si Saturn.
I'm happy about that. Kahit na kahapon lang namin siya nakilala, iba na yung impact niya sa amin lalo na sa kambal.
Parang we know each other for a long time kahit na we are totally a stranger.
Ang iniisip ko ay yung inakto ni Sophia, ng tanungin siya ni dad about nga kay Saturn, hindi siya sumagot.
I mean nag salita siya pero hindi naman namin naintindihan. Tapos bigla siyang umalis.
Sinabi naman agad ni Saturn na ang ibig sabihin ng sinabi ni Sophia ay busog na daw siya. Pero pagtingin ko sa plato niya sa tabi ko halos di nga nagalaw yung mga kinuha niyang pagkain.
Tapos kahapon pa, 'yung pagdating niya. Parang di naman siya masaya, tapos ang cold niyang tignan.
Siguro tama nga si dad, baka nag aadjust pa sa amin. Well ok lang, naiintindihan naman namin yun.
Lumabas ako sa sasakyan ko at bumalik sa loob ng bahay.
Pag akyat ko sa hagdan ay huminto ako para mag isip sandali at ng sa tingin ko hindi magandang plano ang gagawin ko ay bumaba ako.
Pero bago ako tuluyang makababa ay napa isip na naman ako. Kailangan kong maging malapit sa kanya para mabilis siyang makapag adjust.
Muli akong umakyat at nilalakahin ko na ang mga hakbang ko.
Pagdating ko sa tapat ng kwarto niya ay kakatok na sana ako ng muli nanaman akong mapahinto.
Bumuga ako ng hangin at itinuloy ang balak kong pag katok.
"Bahala na."
Bulong ko.
"Ikaw pala Jasper. Pasok ka."
Nagulat ako na si Saturn ang nag bukas ng pinto, hindi ko siya inaasahan.
Agad din naman akong naka bawi sa pagkakagulat.
"A-ah hindi may sasabihin lang naman ako, uhmm wala kasi akong klase mamayang tanghali hanggang uwian na. Naisip ko wala pa kayong gamit para bukas, samahan ko sana kayong bumili mamaya. Susunduin ko kayo dito. Ok lang ba?"
Tinignan ko si Sophia na seryosong naka tingin sa akin.
Magsasalita sana si Saturn pero bigla siyang tumingin kay Sophia.
Nagtitinginan lang sila. Parang nag uusap sila sa mata lang.
Naramdaman kong parang hindi nga ata maganda ang idea na 'to, kaya nagpaalam na ako.
"A-ano..s-sige alis na ako."
Pero bago pa ako tuluyang maka alis ay nag salita si Sophia.
"Ok."
Napatingin agad ako sa kanya ng naka ngiti.
Plain lang ang pagkaka sagot niya na parang napipilitin lang siya.
Pero it's a good start.
Sinabi ko sa kanila kung anong oras ko sila susunduin at tuluyan na akong nag paalam.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AksiHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
