"Hush little baby don't say a word...hmm..hmm."
Bahagyang na idilat ni Kira ang kanyang mata ng makarinig na pamilyar na awitin, ngunit agad din siyang napa pikit ng masilaw siya sa liwanag.
"Mama's gonna buy a diamond ring...hmm..hmm."
Muling sinubukan ni Kira na dumilat at ng magawa kahit na malabo ang kanyang nakikita, alam niyang si Elizabeth ang kumakanta ng mahina.
Bahagya siyang napa ngiti ng makitang napapaligirin siya ng mga paboritong bulaklak ng kanyang ina.
Ng tumagal na ay bumabalik na sa normal ang kanyang paningin, at makitang si Elizabeth nga ang nakikita niya habang inaayos ang mga bulaklak.
Pinilit niyang galawin ang kanyang kamay, at makita ang mga naka tusok na aparato.
"Hush little baby--"
Na alis ni Kira ang tingin sa kanyang kamay, ng may marinig siyang pagka hulog.
At makita si Elizabeth na nakanganga at hindi makapaniwalang naka tingin sa kanya.
"S-Sophia?"
Kahit na hihirapan ay pinilit na iangat ni Kira ang kanyang kamay at sinaladuhan si Elizabeth na tulala pa din.
"Honey naka usap ko ang doktor ang sabi niya--"
Napa tingin naman si Kira sa bumukas na pinto at nakitang pumasok ang kanyang ama na tulad ni Elizabeth ay na tulala din etong naka tingin sa kanya.
"A-anak?"
Na iikot ni Kira ang kanyang mata at bumuga ng hangin.
"Bakit ba parang naka kita kayo ng multo? Hindi pa naman siguro ako patay, hindi ba?"
Agad na natauhan si Henry ng mag sungit ang kanyang anak, napa ngiti siya at mabilis na lumapit.
"Sophia, anak---"
"Stop! No hugs, my body is aching tss."
Na ibaba naman ni Henry ang kamay ng tangkain niyang yakapin ang anak.
Hinawakan na lamang niya ang kamay ni Kira at nangingilid ang luhang pinagmamasdan siya.
"Sophia, I'm so happy na ligtas ka. Sobra akong nag alala."
Ramdam ni Kira ang higpit ng pagkaka hawak ni Henry sa kamay niya.
Hinawakan naman siya ni Elizabeth sa braso at inayos ang kanyang buhok habang naka ngiti at nangingilid din ang luha.
"Salamat iha sa pag balik mo sa amin ng buhay."
Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Elizabeth na agad naman niyang pinunasan at na tawa ng mahina.
"I-I'm sorry, na tutuwa lang talaga ako."
Hinawakan naman ni Henry ang kamay ng kanyang asawa at pinisil iyon.
"Don't expect me to cry and be glad because of your dramas."
Sabay na natawa ang mag asawa sa pag tataray ni Kira.
"Magaling ka na nga anak."
Biro ni Henry na ikina taas ng kilay ni Kira.
"Iha may gusto ka bang kainin? Na uuhaw ka ba?"
Tanong ni Elizabeth na sinagot naman ni Kira ng iling.
"Are you sure? Halos isang linggo kang tulog."
Paniniguradong tanong ni Henry, na bahagyang ikina gulat ni Kira.
"I'm sure."
Pagka sagot niya ay tinignan niya ang kabuuang silid.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
