I'm staring myself at the mirror while holding my neck.
Pagnakikita ko ang sarili ko ngayon, parang kulang na kulang ang pagkatao ko.
Parang kalahati ng buhay ko nawala.
"Are you done?"
Kumatok at sumilip si Saturn sa nakabukas kong pinto.
Pinagmasdan kong muli ang sarili ko bago ko siya tignan at tumango bilang sagot.
"Tara na, tayo na lang hinihintay sa baba."
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.
Pagdating namin sa dine-in area, kami na nga lang ang hinihintay.
"Good morning!"
Masiglang bati ni Saturn at bahagyang yumuko.
"Saturn at Sophia, umupo na kayo."
Naka ngiting sabi ni Elizabeth.
Uupo pa lang sana ako ng bigla biglang tumayo si Jasper.
"Son, tapos ka na?"
Tanong sa kanya ni Henry sabay higop ng kape niya.
"Yes dad, dadaan pa kasi ako sa library."
Nilapitan niya si Elizabeth at hinalikan sa noo.
"Sigurado kang ayos ka na? If you can't drive, ipapahatid kita o kaya hintayin mo na lang sila Sophia at sa kanila ka sumabay."
Pasimple akong siniko ni Saturn, pero hindi ko iyon pinansin.
Alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
Gusto niyang isabay namin si Jasper dahil narinig lang niya na hindi maganda ang pakiramdam.
Tss. Nagpapadala sila sa pag iinarte niyan.
Inabot ko na lang ang bread plate kay Saturn.
"No need mom. Bye bros!"
Paalam niya.
"Hala, hindi siya nagpaalam kay ate."
"Kumain ka ng kumain Usher, tignan mo ang kapatid mo patapos na."
"Pero mom hindi nga nagpaalam si kuya Jasper kay ate Sophia!"
"Sweetheart, just eat ok. Kasama na ang ate mo doon."
"But mom ate Sophia is not a bro!"
Tumingin si Elizabeth kay Henry na parang humihingi ng tulong.
"Baka nakalimutan lang ng kuya mo. Listen to your mom, ubusin mo na yang pagkain mo."
"Ate Sophia, ok lang sayo 'yun?"
Tanong niya.
Sinubo ko na muna ang huling bacon na nasa plato ko bago ko siya tinignan.
"It's no big deal. So, finish your food."
Wala naman talaga sa akin 'yun, atleast tumupad siya sa sinabi niya.
He won't pest me anymore.
~~~~~~~~~~~~
"Oo nga pala, hindi ako makaka sabay ng break sayo mamaya."
Nag park si Saturn sa usual spot namin.
"Why?"
"May mga kasabay kasi ako."
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
