Chapter 47

14.1K 394 22
                                        

Third Person's POV

Hanggang sa parke at sa oras ng pahinga ng mga estudyante ay naka tulala at nakatingin lamang sila Bruno at Celine kay Kira na tuloy lamang ang kain. At hindi alintana ang iba pang mga tingin na nakukuha bukod sa dalawa.

Tinungga ni Kira ang natitirang laman ng tubig at humiga sa upuan na gawa sa bato.

"Wake me up, when you're done checking me out."

Inangat niya ang dalawang braso niya at ginawang unan iyon.

Para namang na buhusan ng malamig na tubig sila Bruno at Celine sa sinabi ni Kira, at sabay na nagmadaling kumain.

Nalaglag sa bibig ni Bruno ang naka subo ng tinapay at natulala sa dumating na lalake na naka tingin lang kay Kira.

"So, the rumor is true."

Sabi ng lalake, na ikina ngisi naman ni Kira.

"Hindi ko alam na tsismoso ka pala."

Sagot niya na ganun pa din ang posisyon at hindi tinitignan ang lalake.

Pumagitna ang katahimikan sa kanila, tanging tawanan lang ng ibang mga katabi nila na kumakain at mga naglalaro sa parke ang naririnig.

Napa buga ng hangin si Kira at napa upo.

Inayos niya ang salamin na suot at tinignan ang lalake na naka tayo pa din sa harapan niya.

Tumayo na si Kira at na unang naglakad na sinundan naman ng lalake.


~~~~~~~~~~

Nathan's POV

"Hoy! Baka gusto niyong galawin 'yang pagkain niyo."

Great. Para lang akong nakikipag usap sa hangin. Sabagay parang hangin lang din naman ang mga kasama ko tss.

Naiintindihan ko si Felix kung bakit lutang siya, ilang buwan niyang hinintay si Sophia. Mukhang na shock ata, hindi ko alam kung dahil sa biglaang sulpot niya o sa bagong itsura niya na talagang bagay na bagay sa kanya.

She looks more gorgeous.

Pero ang hindi ko naiintindihan ay 'tong si Jasper. Ang nasabi niya kasi sa amin, bigla na lang daw umalis si Sophia kasama si Saturn na hindi man lang nagpapaalam sa kanila.

Pero di ba dapat natutuwa siya dahil nandito na si Sophia at hindi 'yung ganito na tulala lang siya.

Knowing him na tuwang tuwa siya sa kapatid niya, kaya ang inaasahan ko ay babalik siya sa dating siya.

I mean--bigla bigla na lang din kasi siyang naging tahimik, lagi siyang parang may iniisip. Basta, ang layo sa dating Jasper.

Pero etong si Michi na kumikinang kinang pa ang mata, hindi ko kailangan na isipin kung bakit tulala 'to at sa kanilang tatlo siya lang ang may ngiting aso.

Malamang na in love nanaman 'to kay Sophia. Kaya ayan siya, nagdi daydream na naman.

"Jasper!!!"

Napa tingin ako sa tumawag kay Jasper na tumatakbo pa punta sa amin at hila hila niya si Celine.

"Jas...per...."

Huminto sila sa harapan ng mesa namin at habol habol ni Bruno ang hininga.

Napatingin ako kay Jasper na tulala pa din.

"Why?"

Ako na ang nagtanong dahil mukhang wala namang balak na pansinin ni Jasper 'to.

"S-Si Sophia...."

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon