Chapter 62

14.2K 409 62
                                        

Third Person's POV

Naka kuyom ang mga kamao, habang naglalakad ng tulala si Kira na naka tingin sa matandang lalake na nag sasalita sa harapan ng lahat.

Tila eto lamang ang kanyang nakikita at wala ng iba.

Magkaka halong emosyon ang nararamdaman niya, ngunit na nanaig ang kanyang galit.

Bago pa tuluyang bumilis ang kanyang lakad, ay may humawak na sa kanyang kamao na naka kuyom at nag punta sa kanyang harapan.

"Let's go, queen."

Na rinig niya ang sinabi ni Hunter sa harapan niya, ngunit ang tingin niya ay nasa matandang lalake lamang.

Naramdaman naman ni Hunter ang galit na pag kuyom ng kamao ni Kira.

"Queen, don't make a scene here."

Mahina niyang bulong, ngunit maotoridad na sabi ni Hunter at nandoon pa din ang pangangamba sa tono ng kanyang pananalita.

Pilit na hinihila ni Hunter si Kira, at dahil tulala pa din siya ay na gawa siyang ilayo at mailabas.

Pagdating nila sa opisina ng dean, tsaka lamang na tauhan si Kira.

"S-Si C-Carlos...."

Mahina at na uutal niyang sabi, habang naka turo ang daliri sa pintuan.

Nagka tinginan naman sila dean at Hunter.

Nilapitan ni dean si Kira at hinawakan ang magkabilaang balikat neto.

"Sophia, makinig ka."

Napa tingin si Kira sa kanya.

"Ang Carlos na nakita mo ngayon, at ang Carlos na matagal mo ng hinahanap, ay iisa."

Muling na ikuyom ni Kira ang kamao at umalis sa harapan ng dean ngunit mabilis siyang na pigilan ni Hunter.

"Out of my way Hunter."

May pagbabanta sa tono ni Kira. Nakaramdam naman ng takot si Hunter, ngunit binale wala niya iyon.

"Sophia! 'Wag tayong magpa dalos-dalos. Ang akala mo ba, hindi porke't walang mga bantay si Carlos sa tabi niya ay pwede na natin siyang sugudin ng basta? No! At ilang mga inosenteng buhay ang madadamay kung basta ka susugod? At hahayaan mo bang madungisan ang isa sa pag aari ng iyong ina?"

Malakas na pumalag si Kira mula sa pagkaka hawak ni Hunter at naka kunot ang noong nilapitan ang dean.

"Anong pag aari? Anong ibig mong sabihin?"

Naguguluhang tanong ni Kira.

"Kay Isabella ipina mana ang eskwelahan na 'to. Sa kanya 'to."

Na gulat si Kira sa kanyang nalaman.

"Kaya ako nandito para bantayan ang pag mamay ari ng iyong ina, na inangkin din ni Carlos."

"At ang sugat sa balikat ko noon na inakala mong ako ang na baril mo, noong muntik mo ng maka harap si Carlos, ay nakuha ko dahil kinalaban namin ang pumapatay sa dalawang estudyante dito noon. At ng gabing nagka harap tayo na abutan mo din akong nandito pa, dahil binabantayan at pinapanatili naming maayos at payapa ang eskwelahan na 'to."

Singit ni Hunter sa kanila.

"Hihintayin ko na naman bang maka layo sa akin si Carlos? Ang dami na niyang kinuha, si mommy, ang pagiging mafia boss ni mommy, at ngayon etong eskwelahan!"

"Sophia, kaya nga kami nandito. Para tulungan ka. Hindi tayo lalaban ng madumi, dahil hindi tayo si Carlos."

"Kung kinakailangan nating lumaban sa maduming paraan, lalaban tayo!"

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon