Chapter 50

13.7K 351 27
                                    

Kira's POV

Muli kong tinignan ang mga gamit ko sa bag. Tinawagan ako ni Hunter kanina at niyaya na mag sparring daw kami sa pad niya.

Tutal ay wala naman akong ginagawa, at ayoko ding mag tagal sa bahay na 'to dahil wala naman si Saturn kaya pumayag ako.

Saglit akong na tigil ng maramdaman kong may papalapit sa kwarto ko, at may kumatok pero patuloy lang ako sa pag aayos at hinayaan lang iyon dahil alam ko namang naka lock--

"Sophia, anak?"

Saglit akong na tigil at mapa pikit ng mariin.

Usher at Ashton.

Na wala nga si Saturn, pumalit naman ang mga makukulit na 'yun. Talagang dito pa nag laro sa kwarto ko.

"Anak pasok na ako ha."

Bakit kailangan pa nilang mag paalam, kung sa una pa lang ay nag bukas na ng pinto at 'yung kalahati ng katawan nila ay naka pasok na? Tss.

"Where are you going?"

Tanong niya ng maka lapit siya sa likuran ko.

"Anywhere."

Pumunta ako sa closet ko para kumuha ng jacket, at naramdaman kong sumunod siya sa akin.

"How's Saturn?"

Tanong niya.

"Good."

Walang gana kong sagot.

"B-bakit hindi mo na siya kasama? G-gusto ko sana siyang tulungan, may kilala akong doktor."

"You don't have to."

"Wala namang problema anak, hindi iba si Saturn sa akin, sa amin. He's also part of the family kaya gusto namin na maging maayos siya. Tsaka 'di ba, mas makaka tulong sa kanya kung nandito siya. Mas mapapadali ang pag recover niya. N-nandito tayong pamilya niya."

Napa ngisi ako dahil sa sinabi niya.

"Wala dito ang pamilya niya."

Sandali naman siyang natigil.

"C-Can we talk?"

Napa tigil ako sa paghahanap at walang ganang tumingin sa kanya.

"Ano pa bang ginagawa natin?"

Napa yuko naman siya sa sinabi ko.

Ng maka kuha na ako ng jacket, lumabas na ako at nilagpasan siya.

Dumiretso ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko habang isinusuot ang jacket ko.

Napatingin naman ako sa repleksyon niya at makitang naka yuko pa din siya.

Tss.

"Are you going to waste my time? Kung yuyuko ka lang pala diyan, wala ng sasabihin at hindi mag sasalita, aalis na ako."

Kinuha ko ang inayos kong bag at lalabas na sana ng mabilis niya akong harangan.

"S-Sorry."

Na iirita talaga ako pag nag sosorry siya. Para kasing ang daming nagiging ibig sabihin ng salitang 'yun pag sa kanya nanggagaling.

I rolled my eyes at umupo sa kama ko.

Alam ko naman kung bakit siya nandito at gusto akong maka usap. Alam kong hindi lang si Saturn ang gusto niyang pag usapan.

"3 minutes."

Sabi ko pero parang hindi niya ata na kuha ang sinabi ko.

"Tss. Go! Talk!"

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon