Chapter 14

18.8K 437 14
                                        

Where the hell is that!!!

Hinagis ko ang mga unan at kumot, binaliktad ko na rin ang kama ko pero wala talaga.

Sunod akong nag hanap sa study table ko at sa drawer neto, pero wala talaga.

Dumapa ako at hinanap iyon sa mga ilalim, na ilang beses ko ng ginawa.

Kahit ang mga sofa ko ay binuhat ko na rin para tignan pero wala talaga.

"Kira--woooah! May bagyo ba? At dito lang sa kwarto mo dumaan?"

Pumasok ako sa closet ko at tinignan din ang ibang drawer ko. Pero shit lang wala talaga!

"Ano bang hinahanap mo?"

Nilagpasan ko si Saturn at pumasok sa banyo.

Binuksan ko ang mga ilaw at nagsimulang maghanap sa lababo, sa cabinet, drawer pati sa bathtub at sa gilid ng toilet, sa laundry ko pati na nga rin sa trash bin pero wala talaga.

"DAMN IT!!"

Galit kong sigaw sabay, hagis ko sa mga bote ng shampoo dahil sa inis ko.

"Whoaa! Chill lang Kira. Kumalma ka nga, kung may hinahanap ka. Hindi mo mahahanap yan kung natataranta ka. Halika muna dito."

Hinila ako ni Saturn papunta sa kama at pina upo ako.

"Ok. Sundin mo ang gagawin ko ha. Breathe in."

Ng una ay tinignan ko siya ng masama, pero sinabi niyang sumunod na lang ako, at ginawa ko na lang.

"Ok. Now, you breathe out. Good, breathe in again then let it out. Very good."

Pinat niya ang ulo ko na parang bata kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Tell me, anong hinahanap mo?"

Umupo siya sa tabi ko at tinanong ako.

I sigh before I answer him.

"I think I lost my necklace. I can't find it."

Nanlake ang mata niya at tinignan niya ang leeg ko.

Alam niyang kahit kailan at ni isang beses, hindi ko pa inalis iyon.

"No way!! Paanong nangyari??"

Nag shrugged lang ako sa tanong niya. Hindi ko naman talaga alam kung paanong nawala.

"Tsk, saan ka ba nagpunta?"

Tanong niya ulit.

Hindi pa niya alam ang nangyari kagabi, kaya na kwento ko iyon sa kanya at biglang tumawa ng malakas.

"Bwaaahahaha, gangster?? Hahahaha hindi ko alam na ang cheap ng kapatid mo. Pfft—hahaha!"

Binatukan ko siya sabay tingin ng masama sa kanya.

Nagku kwento, tapos tatawa tss.

"Pfft s-sorry. Sige ituloy mo na. Pfft--"

"Ayun nga. Paalis na nga sana ako pero hindi ko alam kung bakit bumalik ako at tinulungan sila. Kaya ayun, napalaban ako kagabi. Mga pipitsugin lang naman, tapos 'yung leader naman pinatakas ko kasi, gumaganti lang naman siya para sa kapatid niya. At doon nagalit si Felix sa akin kaya kahit nanghihina siya dahil sa mga tama niya, sinubukan niya akong labanan hanggang sa natutumba na siya sa akin. Tapos kakapit nanaman sa jacket ko o kaya hihilain, tapos doon na---"

"Sandali, sandali. Ano 'yung sinabi mo?"

"Ang dami kong sinabi Saturn."

"Hindi, 'yung pinaka huli lang."

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon