Prologue:
"You don't need to inject IV Glutathione. You're white as hell Belle! What you need is medical facial for your damn pimples!" My bestfriend, Dominique Felipe Xavier shout at my face when she found out that I wanted to try IV Glutathione like she did. Well, it just happen that the dermatologist sales talk me about vanishing my pimples without pricking it.
"Nasabi ko na ba sayong halos mamatay ako kung paanu nila tirisin ang tagyawat ko? God, Dom! You've been doing this for God knows how long at ako ay bago palang dito. I am not used to it and I will never be! And after those pricking? Anung nangyayari sa mukha ko? Para akong kinagat ng libo-libong bubuyog! Ayaw ko na!" maktol ko sa kanya.
"Syempre, ganun 'yun sa simula. Pero kapag nasanay ka na, wala nalang 'yun sayo. Kung gusto mong mawala na yang mga tagyawat mo sa mukha aba, tiisin mo! Ang tawag dun tiis ganda!" Aniya.
Sumimangot ako at nakangusong umiinom ng aking frappe. Sinulyapan ko lang si Dominique na ang ganda-ganda sa mahaba at makintab nyang buhok. Minsan, hindi ko magawang isipin kung bakit hindi nalang ako kasing ganda nya. I've been suffering this endless breakouts since I first got my period and it's getting worse habang tumatanda ako. Siguro, nung nagpasabog si Lord na kagandahan at kakinisan ng mukha, nagtitiris ako ng tagyawat nun kaya hindi ako nabiyayaan.
"Sana pala sinunod ko nalang ang mga pamahiin."
Kumunot ang kanyang noo.
"What pamahiin?"
"'Yung ihihilamos mo 'yung panty mo na may una mong regla sa mukha mo para kuminis ang mukha mo at hindi tagyawatin." I casually said.
Tinignan ko si Dom at nakita ko kung paanu napalitan ng pandidiri ang mukha nya.
"Oh my God! That was just so gross!" Maarteng sabi nya.
Hindi na ako umimik at suminangot nalang. Palibhasa maganda sya at hindi katulad kong isang patatas na tinubuan lang ng mukha. Dominique Felipe Xavier have it all. Kagandahan, katalinuhan, talent sa pagluto, kilalang pamilya, pati na hot boyfriend, nasa kanya nya. Nese kenye ne telege eng lehet! Sana kasi katulad nya nalang din ako na pinanganak na maganda na talaga. Eh, sa tulad kong maduming patatas na tumubo sa lupa ang kailangan ko na talaga ay himala.
"Alam mo, hindi ka naman pangit eh. Ang ganda mo kaya! Kaya lang kasi pabaya ka. Bakit ba kasi ang tamad mong maghilamos?" Umirap sya sa akin.
And I Admit. I, Anabella Claire Castellano often wash my face before going to sleep. I am so lazy to do all the routines that Dom's doing. Like applying lotion or moisturizer. It's sticky as hell and I just want to dive in my bed than doing those. Kulang nalang talaga ay magdasal ako na saniban ako ng kasipagan kaso hindi talaga eh. Wala eh. Ganun talaga ako.
"I'm lazy as hell, Dom." Nagkibit-balikat ako.
"That's the point!" Inilahad pa nya ang kamay nya sa akin. "Hindi mo lang kasi inaalagaan ang sarili mo. Hindi ka lang maalaga sa sarili. Akala mo ba gaganda ako ng ganito kung hindi ako naghirap? Syempre hindi! Kailangan mong paghirapan ang lahat no! Hindi mo naman makukuha 'yun ng ganun-ganun lang. Anu ka sinuswerte?" Tumaas ang kilay nya.
'Yun na nga kasi ang problema eh. Allergic nga ako sa ganun. Since Dom has been my bestfriend since Elementary Days, nakita ko talaga kung paanu sya nagdalaga at talagang maganda sya. Let's just say na mas lalo lang talaga syang gumanda nung naalagaan na nya 'yung sarili nya nung nagdalaga na sya. At alam kong nasa lahi na talaga nila 'yun no. I've seen her siblings with my two eyes lalo na ang mga hot nyang kapatid na lalaki and Oh my freaking wow! Nung nagpaulan talaga ng kagandahan at kakisigan ang Diyos, wala silang payong kaya nasalo nilang lahat, swear.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...