Chapter 49
Bumuhos ang luha ko ng kaagad na makita ang kotse ni Kuya Diego na nakaparada sa labas ng convenient store na pinaghintayan ko sa kanya. Higit sa dalawang oras din ako naghintay pero hindi ko na napansin ang oras. Masyadong malalim ang iniisip ko. Isa pa ay naprapraning ako. Baka kasi nalaman na ni Romeo na umalis ako at baka bigla nalang syang sumulpot dito. Kaagad syang lumabas para salubungin ako ng yakap. Hindi ako ung tipo ng iiyak ng sobra lalo na sa harap ng ibang tao. Ako 'yung tipo ng tapong mas gustong umiyak ng magisa, 'yung tipo ng taong mas gustong umiyak ng patago, 'yung tipo ng tao na iiyak lang pag walang makakakita. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko. Walang katapusan silang bumubuhos. Walang tigil. Parang hindi sila nauubos.
"Stop crying and wear this jacket." Utos nya sa akin pagkatapos ay kaagad akong inalalayan papasok ng sasakyan. Walang imik-imik na sumunod lang ako sa gusto nya.
Nang makapasok kami sa loob ng kotse nya ay gulat na gulat ako ng makita kong sino ang nasa loob nun. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang bestfriend kong si Dom na nakaupo sa front seat.
"What.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pumasok si Kuya sa Drivers seat at nilingon ako.
"She insisted na sumama." Tipid na sabi nya.
Nilingon ko naman si Dom na ang ganda-ganda parin kahit na mukhang pagod sya. Namumula ang pisnge nya at labi.
"I was just so worried kaya sumama ako sa pagsundo sayo! Hindi mo sinasagot ang tawag at text ko. Wala akong ideya kung san ka nagpunta! Are you out of your mind? Kelan ka pa natutong maglihim sakin, ha?" bulyaw ni Dom sa akin.
"Sorry." 'Yun lang ang tangi kong masabi. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Tama naman sya. Siguro nga ay nababaliw na ako. Siguro nga ay masyado akong naging baliw kay Romeo sa puntong nagawa ko silang talikuran lahat para sumunod sa kanya dito.
"Don't do that again. Hindi ganito ang Belle na kilala ko. Kelan ka pa naging madalos-dalos sa desisyon mo?" Aniya.
Hindi nagsalita si Kuya Diego at pinakinggan lang sya. Panay ang punas ko sa mga luha ko at walang naisagot sa sinabi nya sa akin. Ang dami kong gustong itanung sa kanilang dalawa, kung bakit sila magkasama at kung ano ba talagang relasyon meron sila pero para bang walang salitang gustong lumabas mula sa mga labi ko. Panay lang ang pagluha ko at nang magsimula ng paandarin ni Kuya Diego ang kotse ay shaka lang ako natigilan. Naisip ko bigla si Romeo. I left without saying anything. Hindi ako nagpaalam. Nalaman na kaya ni Romeo na umalis ako?
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho nya ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Lumakas kaagad ang kalabog ng dibdib ko ng dahil doon. Hindi ko pa nakikita kong sino ang tumatawag pero para bang kilala na ng puso ko kung sino ito. Lumunok ako pagkatapos ay tinignan si Dom na tinanaw ako.
"Stop crying already. Magang-maga na ang mga mata mo. You can sleep. Medyo malayo pa ang biaje natin. Traffic din kaya baka matagalan tayo." Aniya.
Tumungo-tungo ako sa kanya at ngumiti. Namatay ang tawag pero muling nagring ang aking cellphone.
"Give me your phone." Ma-awtoridad n autos ni Kuya Diego sa akin. Kumunot ang noo ko.
"I don't wa-"
"Give.me.your.freaking.phone." matigas na sabi nya. Natigilan ako ng dahil doon. Lumunok ako pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at binigay sa kanya. Nakita ko kung paanong mabilis nyang patayin 'yun at ibinigay kay Dom. Nanlaki ang mata ko.
"Can you hold this for me?" Aniya. Kinuha naman 'yun ni Dom at inilagay sa kanyang bag.
"Who's calling?" tanung ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...