Chapter 45

1.9K 76 15
                                    


Chapter 45


Naghahabol ako ng hininga ng sandaling ilayo ako ni Romeo sa kanya. Tinignan ko sya at nakita ko ang nangingislap nyang mga mata habang tinititigan ako. Nakaawang ang labi ko. Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. Parang wala akong gustong gawin kundi ang titigan lang sya. It's been a freaking week and I miss him so much. So damn much.

"I'm sorry." He finally said.

Parang kinukurot ang puso ko ng dahil doon. Alam kong wala syang kasalanan. Wala syang ginawang masama. Ako 'tong nagmatigas. Ako 'tong nagiinarte. All he wants to do is for me wait at damayan ang mommy nya pero sarili ko lang ang inisip ko. And here he is, saying sorry again. Palagi nalang ganun. Palagi nya nalang inaako ang lahat ng kasalanan para sa akin.

Umiling-iling ako pagkatapos ay hinawakan ang kamay nya. "Don't say sorry. Wala kang ginawang masama sa akin." Halos ibulong ko.

Hindi sya nagsalita. Hinila nya lang ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Binaon ko ang sarili ko sa dibdib nya pagkatapos ay pumikit ako. This is the best feeling ever.. being held my Romeo is my safe heaven. This is my comfort zone. Nitong mga nakaraang araw ay takot na takot ako. Takot na takot ako ng baka hindi ko na sya makita ulit. Takot na takot ako ng baka hindi ko na sya mayakap ulit. Kung hindi pa ako nagkalakas ng loob na puntahan sya dito ay hindi ko na talaga alam kung saan na ako dadalhin ng takot ko.

"Where's your Nana?" tanung ko ng akayin nya ang kamay ko para umakyat sa itaas. Nagpatinaod ako sa kanya habang pinapasadahan ng tingin ang buong bahay. Lumang bahay na ito na maraming mga Antique. Bahay pa ito ng mga great great grandmother at grandfather ni Romeo pero ang ganda-ganda padin ng bahay. Halatang naalagaan ng maayos at halatang na mi-maintain talaga.

"She's out. May inaasikaso lang sya. It will take her all morning. Solo natin ang buong bahay." Aniya at ngumisi sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero uminit ang pisnge ko ng dahil doon. Nagiwas ako ng tingin. Binuksan ni Romeo ang pinto ng nasa tapat na kami ng isang kwarto. Bumungad sakin ang isang malaking kwarto. Punong-puno ng mga work-out equipment sa gilid noon. May malaki at magulong kama na may kulay abong sheets at may puting unan. Iba't-ibang gitara ang nakasabit sa pader. May malaking TV, may aircon, may computer. Nakita ko din ang backpack na dala ni Romeo nung umalis sya sa bahay namin nung gabing 'yun. Lumunok ako. So this is Romeo's room. Dito sya tumira ng ilang taon noon. Uh, typical na kwarto ng isang lalaki.

All over is Romeo's scent. Napalunok ako. Shit.

"This is my room." Bulong nya sa likuran ko. Tumungo-tungo ako at hindi nagsalita. Why am I being shy? Crap.

Nang maramdaman ko ang pagyakap ni Romeo sa likuran ko ay napatigil ako. Hindi kami gumalaw sa kinatatayuan namin at hinayaan ko lang syang nakayakap sa akin doon. Lumunok ako at halos mapasinghap ng maramdaman ang maiinit na halik na nilalapat nya sa balikat ko.

"I miss you." Bulong nya doon.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nyang nasa tyan ko.

"I miss you too." Sagot ko.

Nang humarap ako sa kanya ay labi nya kaagad ang sumalubong sa akin. Napahawak ako sa braso nya ng naramdaman ang mainit at madiin nyang paghalik sa akin. Hinalikan ko sya pabalik. Paulit-ulit. Parang hindi kami nananawa sa isa't-isa. Nang buhatin nya ako ay pinulupot ko ang dalawang binti ko sa beywang nya. Mas hinalikan nya ako. Naglakbay ang halik nya patungo saking leeg hanggang sa may collarbones. Napaliyad naman ako ng dahil doon. Nang muli nyang mahanap ang labi ko ay madiin nya akong hinalikan pa doon. Masyado akong na occupy sa paghalik sa kanya at ang sunod ko nalang naramdaman ay ang pagbagsak ko sa malambot nyang kama. Nanlaki ang mata ko lalo na ng maamoy ko ang pamilyar nyang amoy doon. Binalingan ko ng tingin sa Romeo at halos makalimutan ko na naka boxers nga lang pala sya ngayon.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon