Chapter 32
"If you say you miss me. I'm really going to go there and get you." Kinagat ko ang ibabang labi ko ng madinig 'yun. Pumikit ako pagkatapos ay binagsak ang sarili ko sa kama. Nababaliw na ata ako. Magmula kasi nung umalis kami pa Cebu hanggang sa makarating kami dito ay wala ng tigil ang pagtawag at pagtext namin ni Romeo.
"Tss. Don't be so cocky. Who misses you?" sabi ko, holding back my smile.
Dalawang araw na ang nakakalipas at andito na kami ngayon sa Cebu with my family and relatives. It just two days. Dalawang araw palang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ang tagal tagal na. I'm bored as hell at sa totoo lang ay gusto ko na talagang umuwi. Parang sandaling nagsisi tuloy ako. Sana pala ay hindi nalang talaga ako sumama dito. Ang pabebe ko kasi eh.
"I'm bored as hell, Belle. Kung andito ka sana. Edi we'll have fun together." Aniya.
Ngumiti ako. I smiled because at the back of my mind, somehow, I feel the same.
Hindi ko na alam kung gaano kami katagal nagusap ni Romeo. He basically calls me every night. Palagi din kaming magkatext. I can't believe I don't find him irritating at all. Palagi nyang sinasabi sa akin kung anong ginagawa nya sa bawat araw. Last time, he said na galing sya sa kaibigan nya at naglaro sila ng basketball. Ngumuso ako habang nagkukwento sya. Kaagad na naglaro sa isip ko ang itsura nya habang tumatakbo ng pawisan sa loob ng court. I bet maraming babae ang tumitili sa kanya doon. Kung ano-ano na naman tuloy ang naiisip ko. Ang tumatakbo at pawisang si Romeo. 'Yung abs nya. 'Yung mga babaeng tumitili. Shocks. Belle wake up!
"God, apat na araw palang. I miss you and it's insane." Nadinig ko ang frustration nya sa kabilang linya. Pumikit ako.
"Come home belle. I want to hug you. I want to kiss you." Pakiusap nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng dahil doon. Nasa beach ang mga pinsan ko ngayon at hindi ako mapaniwalang andito lang ako ngayon sa hotel room at kausap si Romeo. Talaga bang mas pinipili kong makausap sya dito kaysa makipag bond sa mga pinsan ko sa labas?
Crap.
"I want to see you, Belle." Paos na sabi nya.
Pumikit ako. God, I want to see him too. I want to see Romeo too.
"Gusto ko na ding umuwi. It's so boring here." Sabi ko.
"Should I get you?"
Natawa ako.
"No way."
"Why not?"
"You're going to fly all the way here to get me?"
"Why not? Can't I?"
Umiling-iling ako dahil sa ideya nyang 'yun. Baliw na ata ang lalaking 'to.
Kinagabihan ay nagdinner kami ng mga relatives ko sa isang sikat na restaurant dito sa Cebu. Kating-kati akong tignan ang cellphone ko dahil siguradong may mga missed calls at text si Romeo doon pero hindi ko magawa. Panay ang iling ko dahil kaninang hapon ay galing kami sa kabilang isla at nalowbat ang cellphone ko doon dahil sa kakapictures at kakakuha namin ng video. Gusto ko sanang umuwi sa Hotel para makapa charge manlang pero sinabi ni Daddy na wag na muna daw at dumiretsyo na kami dito sa restaurant para kumain. Gutom na kasi ang mga pinsan ko. Aalma pa sana ako pero sinamaan na ako ng tingin ni mommy at para bang sinasabi nyang sumunod nalang ako sa gusto ni Daddy. Kaya wala na din ako nagawa kundi ang sumangayon sa kanila.
"Belle. Bakit parang di ka mapakali dyan?" tanung ni Rose sa akin.
Isa sa mga pinsan ko. Binalingan ko sya ng tingin pagkatapos ay umiling-iling.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...