Epilogue

2.7K 90 12
                                    


Ito po ang Wakas. Again, Maraming Salamat sa lahat-lahat! Sana masuportahan nyo padin ako sa mga susunod kong mga kwento! Sobrang daming nangyari sa buhay ko habang sinusulat ko ang kwentong ito kaya palagi akong nawawala. Pero ngayon, I will do my best to be back on track again. Babangon at babangon padin! Keep safe.

----

Epilogue

"Si Mr. Yabang lang pala." Napalakas ata ang bulong nya kaya nadinig ko. Binalingan ko sya ng tingin at nakitang nakatingin din sya sa akin. Inawang ko ang bibig ko ng maramdaman ang pag kalabog ng aking puso. Nalaglag ang tingin ko sa mga love letters na nakalatag sa harapan ko. Kanina ko pa ito iniisa-isa pero hindi ko makita ang sa kanya rito.

Nang pumihit sya patalikod ay kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko para harangin sya. She obviously has a crush on me and I need her letter. 'Yun lang ang gusto kong basahin at hindi ang mga letter na binagay sa akin ng sandamakmak na babae sa school.

"Tara Dom." Aniya. Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung bakit sya nagsusungit. Siguro ay nagseselos sya dahil sa mga babaeng umaaligid sa akin. Ngumisi ako at mabilis na hinila ang braso nya.

"Bakit?" tanung nya habang nakataas ang kilay sa akin.

"Bakit? Anung bakit?"

"Bakit mo ko pinigilan?"

Binitawan ko ang payat nyang braso pagkatapos ay inilahad ang kamay ko sa harapan nya.

"Where's my love letter?"

Nakita ko kung paano nanlalaki ang mga mata nya sa akin. Napuno ng bulong-bulungan at pangsinghap ang buong classroom ng dahil doon.

"At bakit naman kita bibigyan ng love letter?!" sigaw nya na talagang kinagulat ko.

"Ha? Bakit? Hindi ba dapat? I've seen you staring at me all the time sa bahay nyo. Palagi kang nakatitig sa akin at palagi mo akong sinusulyapan. At first, akala ko wala lang 'yun but then I realized that you have a crush on me." I said. Nagkibit balikat ako. "Well, I never thought that you're cute or what. You're just a plain face but still-" Whoa. I stop there because I know it was a lie, the truth was, the very first time I laid my eyes on her, I thought that she's the most beautiful girl I've seen in my life.

"Unang-una sa lahat, hindi kita crush. Pangalawa, kaya ako palaging tumitingin sayo kapag nasa bahay ka ay dahil naiirita ako sa mukha mo. Naiirita ako kapag nasa bahay ka. You're so loud tapos ang yabang-yabang mo pa. What makes you think na crush kita? Ha?!" Humakbang sya palapit sa akin. Gulat na gulat ako sa mata nyang nalilisik habang sinisigawan ako. Sinapak nya ang dibdib ko at nagpatuloy. "I hate seeing your face sa bahay pero wala akong magawa dahil kaibigan ka ni Kuya. I hate your confidence. I hate your guts. Shaka ang bata-bata mo pa puro babae na nasa utak mo. Kung lahat sila may crush sayo pwes ako wala. So, wag kang feeling!" Walang preno nyang sabi.

Laglag ang panga kong nakatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Don't tell me all this time, akala ko lang na may gusto sya sa akin? That it was actually the opposite? I can't believe this! Hindi ko 'yun matanggap! Hinding-hindi. Kaya noong araw din 'yun ay sinundan ko sya sa bahay nila. Nang buksan nya ang pinto ay nakita ko ang iritable at gulat na gulat nyang mukha ng makita ako.

"I get it. I totally get it. You are just jealous." Sabi ko pagkatapos ay dinukot sa bulsa ko ang mga love letters na natanggap ko kanina. "Nagseselos ka lang kanina. Or, nahihiya ka lang dahil maraming babaeng nakapaligid sa akin. But here, ito ung mga love letters na binigay nila sa akin." Inilahad ko 'yun sa harapan nya. "You can throw this love letters but I want yours." I desperately said.

"Ha? Anung sinasabi mo? Wala nga kong love letter para sayo." Gulong-gulo sya.

"Then, make one for me."

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon