Chapter 12

3.1K 104 2
                                    


Chapter 12

Galit akong nagmarcha pabalik sa kwarto ko pagkatapos noon. Pinagtritripan na naman nya ako sa kabila ng ginawa kong maayos na paghingi ng tulong sa kanya. Naiinis ako sa pagka-insensitive nya at kawalan ng pake sa mga bagay-bagay. Masyadong happy go lucky porket gwapo sya at sikat sa University kaya okay lang sa kanya na pagusapan. Ang mga tao naman kasi doon ay wala namang sinasabing masama sa kanya. Puro sa akin lang naman sila may sinasabing masama kasi nga pangit ako. Double Standard. Bakit ba hindi pantay ang trato sa mga pangit at magaganda/gwapo sa mundong ito?

Isa pa, alam ko namang gusto nya rin 'yun. He just loves attention so much at alam kong naeenjoy nya rin naman na nabubully ako sa school samantalang sya naman ay puring-puri ng mga tao.

Sumalampak ako sa kama pagkatapos noon. Di bale na, hindi nalang ako hihingi ng tulong sa kanya at iso-solve nalang ang problema ko magisa.

Nang pumasok ako kinabukasan ay antok na antok pa ako. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi at panay parin ang isip ko kung ano ang kailangan kong gawin. Dumating pa nga sa puntong naisip kong mag drop-out nalang sa school pero hindi pwede dahil paniguradong magtatanung sa akin sina Mom at Dad and worst, baka malaman pa nila ang pambubully sa akin at may gawin pa silang action. Mas ayoko naman 'yun dahil mas lalong iinit ang mata ng mga tao dito sa akin. Mas malaking gulo lang 'yun.

Tumunog ang bell para sa lunch break pero nagpaalam sa akin sin Cherry at Irene na hindi sila makakasabay kumain. Tatakbo daw sila sandali sa mall para bumili ng materials na gagamitin nila sa kanilang report. 'Yung akin, natapos ko ng gawin. At tapos na rin ang reporting namin. Too bad dahil hindi ko sila kapartner and as usual, ung kapartner ko ay pinilit akong gawin ang lahat ng parte sa reporting. At dahil ang malditang si Vanessa ang partner ko ay wala nalang akong nagawa kundi sundin ang gusto nya. Matapos kong gawin 'yung materials para sa report ay ibinigay ko 'yung lahat sa kanya. Nung dumating ang araw ng report ay ganang-gana syang humarap sa klase at halos sya ang nagpaliwanag ng lahat ng topic na para bang sya ang gumawa ng buong report. Umismid ako ng palakpakan sya ng lahat at purihin ng aming prof samantalang ako ay sinabing wala manlang daw akong participation.

Pinagsabihan ako ni Irene at ni Cherry na isumbong ko daw 'yun sa aming prof pero hindi ko na ginawa kasi nga ayaw ko na ng gulo. Isa si Vanessa sa kaibigan ni Katherine at ayaw ko ng magkaroon pa ng mas malaking gulo lalo na't ngayong mainit pa ako sa mga mata nila.

Pumasok ako sa crowded naming canteen para sana doon kumain pero ng marinig ko ang bulong-bulong nung mga lalaking nakaupo sa di kalayuan sa akin tungkol sa pagiging malandi at easy to get kong babae ay tumayo din ako sa kinauupuan ko at lumabas nalang.

Bumuntong-hininga ako at inisip na doon nalang ako kakain sa susunod kong klase pero hindi nga pala pwede kumain sa mga rooms. Kaya wala akong choice kundi ang kumain sa ladies room ng lunch ko. Nagkulong ako sa isang cubicle at tamad na kinain ung tinapay na pasalubong pa sa akin ni Kuya Diego kagabi. Panay ang buntong-hininga ko dahil wala akong malasahan sa pagkain ko pero hindi naman ako makabili sa canteen dahil sobrang daming tao doon.

May iilang pumasok sa loob ng CR at naririnig ko ang pangalan kong pinaguusapan nila. Ngumingiwi ako dahil sa mga walang katotohanang paratang nila sa akin. Kaylan ba magsasawa ang mga taong 'to na pag chismisan ako?

"Kasi, ang kalandian i-ayon sa pagmumukha diba?" Humagalpak sila ng tawa.

"Pangit kasi kaya desperada na. Wala naman kasing papatol dyan. Ewan ko kung totoo bang boyfriend nya 'yun si Romeo."

"Di diba, si Romeo nga ang nagsabi tapos naghalikan pa sa hallway."

"Malay mo parausan lang ni Romeo 'yun." Aniya.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon