Chapter 13

3.4K 120 11
                                    


Chapter 13

Nung Grade 5 ako, madalas kaming naglalaro ni Dom sa salas ng volleyball. Bata palang kasi ako ay gustong-gusto ko na talagang maglaro ng volleyball. Gustong-gusto kong matutong maglaro noon at madalas ako manuod sa TV ng mga game ng paborito kong players galing sa mga sikat na school. Kaya lang, alam kong hindi talaga ako magaling sa sports. Nakapa clumsy kong tao at wala talaga akong pag-asa sa sports. Mas magaling pa nga si Dom sakin sa volleyball kahit na wala syang hilig doon eh. Nakaka-inggit talaga 'tong babae na 'to!

Madalas kaming naglalaro ni Dom sa salas at palagi din kaming pinagsasabihan ni Manang na magingat na wag kaming makabasag. Ayaw naman kasi ni Dom sa labas o sa garden maglaro dahil mainit daw kaya wala akong choice kundi pumayag na dito kami sa loob maglaro ng volleyball para lang makipaglaro sya sa akin. Hindi ko naman kasi mayaya si Kuya Diego na magkipaglaro sa akin dahil iba naman ang trip nun.

"I'm getting tired of this, Belle! Nakakaboring 'to! Hindi ka naman nagi-improve!" reklamo nya sa akin pagkatapos ay ibinato ang bola para ma-iserved ko pero pumalya ako sa pagtira kaya gumulong ito sa ilalim ng aming dining table.

"Isa pa please. Masasalo ko din ang mga tira mo." Pakiusap ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ung bola at muling iniabot sa kanya. "One more Dom please." Pakiusap ko.

Umirap sya sa akin.

"Okay. Last one na ha. Get this right, Belle." Aniya.

Tumungo-tungo ako at kinagat ko ang ibabang labi ko. Ginawa ko 'yung legendary pose ng paborito kong varsity player na galing sa sikat na school na pinapanuod ko sa TV. Nang ibato sa akin ni Dom ang bola at kaagad ko itong tinira papunta sa kanya. Halos magtatalon ako sa saya dahil sa wakas naitira ko na ito, kaya nga lang, hindi ito kay Dom pumunta kundi sa flat screen TV namin na nakabukas sa likuran ni Dom.

Nanlaki ang mata ni Dom at napatakip sa kanyang bibig.

Isang malakas at matinis na tunog galing sa basag naming TV ang narinig ko. Tuloy-tuloy 'yun at namalagi sa utak ko. Parang paulit-ulit itong nag pla-play at masakit sa ulo. Tinakpan ko ang tenga ko at tinignan si Dom na naiiyak sa takot dahil sa nangyari. Sa sobrang lakas at tinis ng tunog, wala na akong narinig na kahit ano.

Ganun din ang naririnig ko ngayon. Parang may nabasag din sa utak ko at sobrang tinis ng tunog na naririnig ko ngayon sa loob ng ulo ko.

"I don't understand either." Panimula nya. Lumunok ako at naghintay ng susunod nyang sasabihin. "Why the hell am I thinking of you and that video so bad? What are you doing to me? I don't understand." He added.

Ilang beses pa akong kumurap-kurap matapos kong marinig 'yun. Gusto kong makasigurado na 'yun talaga ang sinabi nya pero hindi. Hindi ko gustong ulitin pa nya 'yun. Parang gusto ko na ayaw ko. Para bang takot na takot ako sa mga salita na 'yun.

"Belle, gusto ko lang maliwanagan.." mahinang sabi nya.

Nanlaki ang mata ko at binalingan sa paligid namin ang mga estudyanteng nanunuod. Ito na naman. Ito na naman sila. Bukas ng umaga, paniguradong nasa social media na naman ang pagmumukha ko.

"Oh my Gosh. Look at her. Nag co-confess ba ulit? Ang kapal!" Nilingon ko 'yung babaeng nagsabi nun pero dumulas ang tingin ko sa grupo ng babaeng nasa likuran nya. Kumalabog ang dibdib ko ng makita si Katherine na nakatayo doon at masamang nakatingin sa akin. Namumula ang mata nya at para bang sasabog na sya sa inis at galit.

"Belle, I broke up with her kasi..."

"Ahm. K-kristof, hindi ko kasi alam.. Ahm."

Nangapa ako ng sasabihin.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon