Chapter 4

3.4K 122 8
                                    


Chapter 4

Nakapangulambaba ako habang nagmamasid sa isang table kung nasaan naroon ang grupo ng mga kababaihang nabiyayaan ng kagandahan. Mahihinhin silang natatawan at pakiramdam ko ay para silang mga prinsesa sa ganda. Oh, 'yung mga bidang babae sa pinapanuod kong koreanovela. Porcelana ang kutis, mahahaba at makikintab na buhok, mala mannequin na katawan, sila 'yung tipo ng mga babae na kahit mangulangot sa harap mo ay hindi ka matu-turn off. Hay.. Oh sige, kayo na perfect.

Katherine Saladaga. Sya talaga ang sinusundan ng mga mata ko. Crush ng campus nga ang tawag sa kanya. At oo, sobrang ganda nya. As in sobra. OA ko ba? Kasi totoo naman. 'Yung bestfriend kong si Dom ang pinakamaganda ang paningin ko not until nakita ko si Katherine. (Kilala nya sa Catherine pero mas naniniwala syang mas maganda sya dito) Magkaiba ang level ng ganda nila, kung maputi si Dom morena naman 'tong si Katherine. Makinis na morena. Mahaba ang buhok nyang hanggang bewang at sobrang kintab nito, ('Yung tipong pwede ng sa commercial ng shampoo, ganern). Ung awra nya, mala Miss Universe. Napaka fine kumilos. Ang elegante tignan. Maraming nagsasabing kamukha nya daw si Sam Pinto. At totoo naman, kung paanu sya ngumiti at kung paanu sya kumilos ay parang Sam Pinto talaga.

Bumuntong-hininga ako at binalingan ng tingin ang isang lalaking kamukha ni Adonis na naglalakad palapit sa kanila. And there he is, Kristof Buenaflor. Ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa (oo mas gwapo 'to sa kapatid ko) Literal na mukha syang prinsipe, o ung mga bidang lalaki sa Korean novelang pinapanuod ko. Mala Lee min ho ang kagwapuhan nito. (sarap higupin bes) at hindi lang sya gwapo. Napaka bait din nya. Para talagang tunay na prinsipe. 'Yung tindig nya, ung ngiti nya, ung dimples nya, ung buhok nyang pang K-pop, ung mga mata nya. Lahat sa kanyang gwapo. (Sarap papakin hmp!)

Kaklasi ko si Kristof magmula pa nung first year highschool ako pero hindi naman kami nabigyan ng chance na makapagusap talaga not until nagkaroon kami ng groupings sa English, at dahil kami nalang dalawa ang walang partner ay naging magkapartner kami. Our homeroom teacher separated girls and boys. Tapos boys ang pipili ng girls na gusto nilang partner (at sa kasamaang paa) walang pumili sa akin. I literally just stood there pitying myself dahil walang may gustong kapartner ako. Wala namang kaso sa akin 'yun. Kung walang gustong maging partner ako edi, ako nalang magisa. Sanay naman kasi akong magisa sa mga project. Walang gustong makipag partner sa akin at kung meron man, isa lang naman ang pakay nila; gusto lang naman nilang ako ang gumawa ng lahat (medyo matalino kasi ako.) And then, wooola! Bigla nalang nagpakita si Kristof sa pintuan ng room (late sya, though) at naging mag partner kami.

Nung nakita ko palang sya ay talagang natulala na ako. Marami namang gwapo sa room naming pero walang naging effect sa akin ang mga 'yun. Dahil kung hindi masasama ang ugali nila, mababaho naman ang hininga. Pero si Kristof? Sobrang bait nya. And without hesitation, pinili nya akong partner, kikiligin na sana ko pero narealized ko na baka wala na nga kasi syang choice nung mga panahon na 'yun.

I have a crush on him simula pa nung araw na 'yun. We became close when we was firstmen. Lagi kami naguusap at minsan sabay pa kami kumakain. But everything change nung naging sophomore na kami at pumasok na sa eksena si Katherine (she's a transferee) all eyes are on her, (She's pretty kasi) at isa na doon si Kristof.

Palagi na silang inaasar at ibinoto pa silang muse at escort sa room. Its hurts. Specially because gusto ko na si Kristof noon pa. Gustong-gusto.

Siguro nga ay kilalang-kilala ko na sya ng mga panahon na 'yun kaya alam ko na may gusto sya kay Katherine unang beses nya palang itong makita. Ayokong magbulag-bulagan kung sa anung nakikita ko. He like her. And I like him. Syempre, magpapaubaya ako. Anu namang laban ko, hindi ba?

Na-realized ko na ganun pala 'yun. Pwede ka palang sumuko kahit na hindi ka pa lumalaban. May mga laban pala talagang alam mo sa sarili mo na hindi kayang ipanalo kaya susukuan mo nalang. Maybe I did that to save myself. I just like him, pero masakit na. Paanu nalang kapag minahal ko pa sya?

Third year kami nung naging sila. Syempre, wala na kong nagawa. Anung laban ko kay Katherine diba? Pati nga kuko nya sa paa sobrang ganda e. Walang-wala talaga ko sa kanya.

Hindi ko na rin kinausap pa si Kristof pagkatapos noon. Unte-unte, umiwas ako sa kanya. Hindi na rin sya nagtanung kung bakit. Pakiramdam ko, ni hindi nga rin sya nagtaka. Maybe he felt it too. Naisip ko rin nung mga panahon na 'yun, siguro nga naaawa lang sya sa akin kaya nya ako kinaibigan. Naiinis ako. Hindi nya ako kailangang kaawaan. Naiiyak ako. Gusto kong maiyak sa frustration pero hindi ko naman magawa. Ganito pala 'yun. In-denial ako nung una, pero ito na nga, nasasaktan na nga ako. Ganito pala masaktan. Ganito pala kasakit. Kaya naman ayoko na.

Kristof, you broke my heart. But you don't need to know it. I just want you to be happy.

Nung graduation namin nung highschool, nakita ko kung paanu sila maghalikan nung ina-nounce na ng principal na graduate na kami. Binabato na mga nga kaklase ko ang mga sumbrero nila sa ere, ung akin, gusto kong ibato sa mga mukha nila.

Me on my highschool year book: You're all going to regret not dating me in highschool.

Me in the present: Pangit paren. (gagu. Triggered si aque)


My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon