Chapter 58

1.6K 70 4
                                    


Chapter 58


Nanigas ako sa kinatatayuan ko at walang nagawa kundi ang panuodin silang nagsusundukan sa harapan ko. Nakita ko kung paano kami dinumog ng mga ibang estudyante. Napasinghap ako ng makita ko ang malakas na pagbawi ng suntok ni Kristoff kay Romeo. Dumugo ang gilid ng labi ni Romeo at nakita ko kung paano nya 'yun pinunasan gamit ang likod ng kanyang palad. Isang malakas na suntok din ang ginanti nya kay Kristof. Takot din ang mga tao at ayaw makialam. Sa tingin ko ay hindi din nila gustong madamay sa away ng dalawa. Kinalaunan, dumating ang dalawang guard ng University at inawat silang dalawa. Masyadong malakas si Romeo at Kristof kaya maski ang guard ay nahirapan na maghiwalayin sila.

"Are they serious? Talagang dito sila magsusuntukan sa campus?" dinig kong sabi ni Irene, hindi makapaniwala.

"Oh my God. Hindi ako makapaniwalang nakipag suntukan si Kristof! And Romeo? Ngayon nalang ulit sya nagpakita dito sa University! At kaka enroll nya lang!" bulalas naman ni Cherry.

Hindi ako nagsalita. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Romeo at narinig ko kung paanong paulit-ulit syang minumura ni Kristof. This is the first time I've seen Kristof like this. Talagang galit na galit sya. Katulad nga ng sinabi ni Cherry. Hindi si Kristof ang tipo ng tao na makikipag away. Kalmado lang sya at ayaw sa gulo.

I heard Romeo say my name. Nanlalaki ang mata nyang nakatingin sa akin at para bang sinampal sya ng katotohanang andito ako at nakita ko ang lahat ng pangyayari. Parang bulang nawala ang lahat ng galit nya. It looks like he snaps out from reality. Bumagsak ang balikat nya at wala na kay Kristof ang kanyang attensyon. Lumunok sya pagkatapos ay sinubukang kumawala sa pagkakahawak ng guard sa kanya para lumapit sa akin pero hindi sya hinayaan nito. Parehas silang hinila ng guards papunta sa Deans office para kausapin.

Sa isang iglap ay nawalang bigla ang commotion sa paligid. Naiwan kaming tatlo doon ni Cherry at Irene at pare-parehas kaming litong-lito sa mga nangyari. Naupo lang kami doon at pare-parehas na hindi nasalita.

"Wala akong masabi kundi, ang haba ng hair mo girl." Tinapik ni Cherry ang balikat ko. Natawa sila pero ako ay hindi. I just don't like the idea of them getting in a fight for me. They both have bruises all over their faces at nasa Dean's office sila ngayon. Walang magandang idudulot sa kanila ang pagaaway nila kanina.

My driver had to take a leave early dahil may emergency sa kanila kaya mag tataxi nalang ako pauwi. I don't mind though. Sanay naman akong mag commute paguwi at emergency naman 'yun. Sa totoo lang, I know how to drive it's just that I am not confident at takot pa talaga ako magmaneho mag-isa lalong lalo na sa highway. I know I'm careless and I'm afraid I might hit someone in the street. Maybe driving isn't just for me.

I haven't seen Romeo or Kristoff since earlier nung dinala sila sa Dean's office ng guard and I don't know kung ano ng nangyari sa kanilang dalawa. I assume they got into trouble dahil doon. As much as I wanted to know, I know it's not good for now since hindi ko alam kung kaya ko ba silang haraping dalawa. For Kristof, I know it will be so awkward since he confesses his feelings for me and I honestly don't know how to respond to him. And to Romeo, I am still a little bit angry and disappointed that he didn't contact me for a week. Ngayon nalang sya ulit nagpakita at ang pakikipag suntukan pa nya kay Kristof ang bumungad sa akin.

Lumabas na ako ng campus at nagaabang ng taxi when suddenly a familiar car pulled up in front of me. Nanlaki ang mata ko at kaagad na humambalos ang puso ko saking dibdib ng ibinaba nya ang salamin at nakita ko si Romeo sa loob noon. Hindi na duguan ang gilid ng labi nya at nakita kong may band-aid na ito. Still, meron syang bukol sa noo at pasa sa gilid ng pisnge.

"Get inside." Dinig kong sabi nya. Hindi ako kumilos. For one, I am stunned. And two, naisip ko bakit naman ako sasama sa kanya? Pagkatapos ng eksenang ginawa nila ni Kristof kanina sa campus ganun ganun nalang yon? Sasama lang ba ako sa kanya na para walang nangyari?

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon