Chapter 20
Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan papuntang first floor dahil andoon ang una kong klase. Basa pa ang buhok ko at hindi ki pa ito nasusuklayan. Suot-suot ko parin ang hanggang tuhod na t-shirt ni Kristof. Panay ang kagat ko sa ibabang labi ko dahil patuloy parin ang pagpipigil ko sa mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
"Bell- Holy shit! Anung nangyari sayo?" Nanlalaki ang mata ni Irene ng makasalubong ko sya. Lumunok ako pagkatapos ay nagiwas ng tingin.
"S-sorry. CR lang." sabi ko pagkatapos ay kaagad na lumiko papunta doon sa CR.
Pagpasok ko doon ay kaagad kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. I look like a complete mess at maging ako ay awang-awa sa sarili ko ngayon. Kinuha ko 'yung panyo ko sa bag pagkatapos ay pinunas sa mukha ko. Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin hanggang sa nagsibagsakan ang luha sa mga mata ko. Walang tigil at hindi ko mapigilan. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pumikit ng mariin para pilitin itong pigilan pero wala parin, patuloy parin ang paglalaglagan nila at wala akong magawa.
Lumakas ang naging paghikbi ko kaya tinakpan ko ang bibig ko at umiyak ng umiyak. Halos isang oras na ako sa banyo at mabuti nalang ay walang pumapasok dito. Siguro dahil narin kanina pa nagsimula ang klase hindi na ako nakapasok sa una kong klase. Nang mailabas ko lahat ng luha ay naghilamos ako pagkatapos ay kinurap-kurap ang namumula ko at masakit kong mga mata ng biglang bumukas ang pintuan ng CR.
Nanlaki ang mata ko ng makitang pumasok doon si Katherine kasama ang mga kaibigan nya. Nagkukwentuhan pa sila nung una pero ng makita ako ay kaagad din silang natigilan.
"OH MY..." dinig kong sabi nung isang kulot nyang kaibigan pagkatapos akong pasadahan ng tingin.
Lumunok ako at pinagmasdan si Katherine na blangkong nakatitig lang sa akin. Yumuko ako sa hiya and then it hits me. Tignan mo palang kaming dalawa ngayon, kitang-kita mo na kung gaanu ang layo ng pagkakaiba namin. Pinagdiin ko ng labi ko. I should position myself where I truly belong.
"What happened?" She asked.
Nagangat ako ng tingin sa kanya.
"Hmm. Someone put wet rags at my locker so.." Mabagal kong sabi. Nakita ko ang sandaling pagtaas ng kilay nya ng dahil doon.
"Is that so.." Aniya.
"I have to go.." Sabi ko pagkatapos ay sinabit ang bag ko saking balikat at dinaanan sya. Pero nagulat ako ng maramdaman ang mabilis nyang paghila saking braso.
"Wait." Aniya.
Nilingon ko sya at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"What?" tanung ko.
"Why are you wearing my boyfriends shirt?" ulit nya.
Magulat ako kung bakit nya natanung 'yun. Pero ng sipatin ko sa salamin ang likuran ko ay nakita kong nakasulat pala ang apelyido ni Kristof sa likod ng t-shirt na ito.
"Someone put wet rags sa locker ko. Kristof saw me and he let me lend his shirt-"
"Are you flirting with him?"
Nanlaki ang mata ko. "What? No! He just helped me. That's all." Madiing sabi ko.
Tinikom ni Katherine ang bibig nya at tinitigan akong mabuti. Ganun lang din ang ginawa ko. Tinignan ko lang din sya at dalawang bagay lang ang narealized ko. Una, sobrang ganda nya at talagang wala akong binatbat sa kanya kahit na anong gawin ko. Pangalawa, talaga sya ang tipong babae ng kahit na sinong lalaki dito sa University namin ay magugustuhan sya. Walang lalaking hindi magugustuhan sya. Sinong lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya? Malamang ay hindi talaga sya papakawalan ni Kristof. Bagay sila. Bagay na bagay. At ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko para isipin na baka.. na baka kahit kaunte maging pwede kami ni Kristof. Fuck, Belle.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...