Chapter 30

2.3K 78 4
                                    


Chapter 30

"Do you like me?" Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko ng dahil sa tanung nya na 'yun. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, natatakot na ako na baka marinig nya ito kaya kinailangan ko syang itulak palayo. Inilapat ko ang dalawa kong palad sa dibdib nya para bahagya syang itulak pero hindi nya ako hinayaan. Sa halip, kinuha nya ang palad ko at madiin itong hinawakan, madiin pero sa paraang hindi naman ako masasaktan.

"The thought of you liking me just drives me insane, Belle." Bulong nya. Darn it.

I look at him and he looks so hopeful. So hopeful na para bang pinangakuan sya ng kanyang ina na bibilhan ng laruan. Nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya. He was just like a little kid. Pero anong sasabihin ko? Hindi ko alam ang sagot sa tanung nya.

"When did you talk to my friends? I send them out." tanung ko.

"I texted Cherry. She told me everything." Aniya.

Lumunok ako at pinatay na si Cherry ng ilang ulit sa utak ko.

"B-bakit mo sya tinext?"

"You look so bothered earlier kaya tinanung ko sya. Gusto sana kitang tanungin kaso sinusungutan mo na naman ako." Nakangusong sabi nya habang hinahaplos ang kamay ko. Nagsitaasan ang buhok sa braso ko hanggang batok ng dahil doon. Shet.

"I c-can't believe she said that." Bulong ko.

"Your friends are loyal to me than to you." He said and smirked. Napako ang tingin ko sa ngiti nyang 'yun. Oh there. Finally, he smiled.

"So, for my question.. Do you like me Belle?" tanung nya.

Yumuko ako.

"I.. I don't know." Mahinang sagot ko.

Damn. What's with me today? Kung ako ang dating Belle, malamang sinabi ko ng hindi. But that's what I'm really feeling right now. Totoong hindi ko alam. I don't what to say No. and I don't want to say Yeseither. Hindi ko alam kung ano ang totoo kong feelings ngayon para kay Romeo. I feel like I'm in between. Naguguluhan din ako. Bakit naman kasi nya ako kinokorner ng ganito eh.

"Well, that's better than a No. I can work on that." Aniya at binitawan ang kamay ko. Bumagsak ang mukha ko ng dahil doon pero nagulat ako na hawakan nya ako sa bewang at dalhin papunta sa kanya.

Niyakap nya ako at mahigpit at wala akong nagawa kundi ang tumunganga habang hinahayaan ang init ng katawan nyang bumalot sa akin. Feel na feel na taba sa tyan ko ung abs nya. Ang tigas bes! Pumikit ako dahil sa mahalay kong pagiisip. Kalma bes!

"I didn't expect you to like me that fast anyway. After all the things I did to you." Aniya.

Inawang ko ang bibig ko. I want to say something pero hinayaan ko nalang syang magsalita.

"Also, I want to apologized for all of the things that I did before. I just.. didn't mean it." Bulong nya sa tenga ko.

"You didn't mean it?" tanung ko ulit.

"Yeah. Inaasar kita at binubully dahil gusto ko lang na mapansin mo ako." Aniya.

Kumalabog ang dibdib ko ng dahil doon.

"I don't understand. Kung gusto mong mapansin kita bakit mo ko binubully palagi?" tanung ko. I heard him chuckled a little. Ngumuso ako. Are we really having this conversation while hugging each other?

"You are the most beautiful girl I've seen in my life at naiinis ako kasi hindi mo pinapansin, kasi hindi mo ko gusto. I've seen all girls went crazy over me. Ikaw lang ang hindi. And it's making me pissed, you know?" Sabi nya at binaong mabuti ang mukha nya sa leeg ko. Medyo napatagilid naman ang ulo ko ng dahil doon. God, nakakakiliti ang hininga nya.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon