Chapter 8
Naalala ko parin hanggang ngayon ang unang beses na nakahalik ako ng lalaki. Ah no, Scratch that! I mean, ang unang beses na nahalikan ako ng lalaki. Elementary ako noon. Oo. Tama ang basa ninyo. Elementary ako. Grade 5 to be exact. Ang landi ko ba? Pero ito kasi ang nangyari: Valentines day noon at kasama ko si Dom na naglilibot sa campus ng mapansin namin ang grupo ng mga babaeng nagkakagulo sa di kalayuan. Dahil curious ako at curious din si Dom ay pinuntahan namin 'yun at doon ko nakita si Romeo na pinagkakaguluhan at tumatanggap ng sankaterbang love letter galing sa kanila. Umismid ako ng makita sya. Kilalang-kilala ko sya dahil palagi ko syang nakikita sa bahay kasama si Kuya na naglalaro ng video games. Hindi ko sya pinapansin kapag nasa bahay dahil nayayabangan ako sa kanya. Palagi nya kasing binibida ang mga babaeng nagkakadarapa at may gusto sa kanya simula nung umuwi sya galing ibang bansa.
"Si Mr. Yabang lang pala." Bulong ko kay Dom.
"He's popular kahit bagong transfer palang. Aren't you going to give him anything?" tanung ni Dom sa akin. Kunot-noongg binalingan ko sya ng tingin.
"Anung ibibigay ko sa kanya?"
"Chocolates? Or love letter?"
"At bakit ko naman sya bibigyan? Si Kuya Diego nga hindi ko binigayan ng chocolates sya pa kaya?" Sabi ko at muling binalingan ng tingin si Romeo.
Nagulat ako dahil nagtagpo ang mata naming dalawa pagtingin ko sa kanya. Bahagya nyang inawang ang bibig nya at umayos ng magkakaupo ng makita ako. Inirapan ko sya pagkatapos ay nilingon si Dom.
"Tara Dom." Sabi ko pagkatapos ay naunang tumalikod para umalis na. Sumunod si Dom sa akin pero bago palang kami tuluyang makaalis ay naramdaman ko kaagad ang isang taong humila sa braso ko. Nilingon ko 'yun at nanlaki ang mata ko ng makita si Romeo na nakatayo sa harapan ko habang nakataas ang kilay. Tumaas din ang kilay ko sa kanya.
"Bakit?" tanung ko.
"Bakit? Anung bakit?" tanung nya pabalik
"Bakit mo ko pinigilan?"
Ngumuso sya at binitawan ang braso ko. Nag crossed-arms sya sa harap ko at tsaka ngumisi. "Where's my letter?" Aniya.
WHAT? Nabingi ata ako.
"Anu?"
Inilahad nya ang palad nya sa harap ko.
"Where's my love letter?" Aniya.
Nanlaki ang mata ko ng dahil doon. Binalingan ko ng tingin ang mga babaeng nasa paligid namin pati na si Dom na gulat na gulat. Teka, bakit nanghihingi lang love letter saking 'tong lalaking 'to?
"At bakit naman kita bibigyan ng love letter?!" halos sigaw ko
"Ha? Bakit? Hindi ba dapat?" Parang nagulat sya. "I've seen you staring at me all the time sa bahay nyo. Palagi kang nakatitig sa akin at palagi mo akong sinusulyapan. At first, akala ko wala lang 'yun but then I realized that you have a crush on me." Casual na sabi nya.
WHAT? WHAT? WHAT?
"Well, I never thought that you're cute or what. You're just a plain face but still-"
"Wait." Pinutol ko sya. "Unang-una sa lahat, hindi kita crush. Pangalawa, kaya ako palaging tumitingin sayo kapag nasa bahay ka ay dahil naiirita ako sa mukha mo. Naiirita ako kapag nasa bahay ka. You're so loud tapos ang yabang-yabang mo pa. What makes you think na crush kita? Ha?!" Diretsyong sabi ko.
I heard all of the people around me gasp. Nagpatuloy ako.
"I hate seeing your face sa bahay pero wala akong magawa dahil kaibigan ka ni Kuya. I hate your confidence. I hate your guts. Shaka ang bata-bata mo pa puro babae na nasa utak mo." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...