Chapter 17

2.7K 110 2
                                    

Chapter 17

Umikot-ikot ako sa harap ng malaking salamin sa ladies room habang suot-suot ang napakalaking berdeng T-shirt na mayroong nakatatak na Mondragon sa likuran. Pulang pula ang mukha ko sa hiya isipin ko palang na makikita ng mga tao na suot ko 'to mamaya sa game nya. Kung hindi lang sana nagiinarte ang Romeo na 'yun. Ilang beses din akong nakapanuod ng game dito sa University, madalas ay basketball game ang napapanuod ko dahil nadin sa pamimilit ng mga kaibigan ko. Palagi kong nakikita ang mga girlfriends ng mga star player sa school na ginagawa ito. Isinusuot nila ang varsity uniform o di kaya ang varsity jacket ng mga boyfriend nilang naglalaro o kasali sa game and to be honest, I find it cute. Minsan ko ding pinangarap ang ganun. Kay Kristof syempre and never in my wildest dream, na inisip kong gagawin ko ito para kay Romeo.

Binalingan ko ng tingin ang cellphone ko ng maramdaman kong nag-vibrate ito.

Romeo:

The game is about to start. Where are you?

Kumilos ako pagkatapos ay isinabit ang aking bag saking balikat ng mabasa ko ang text na 'yun. Halos patakbo na akong naglalakad at nananalangin na sana ay walang makakita o makapansin sa akin dito sa hallway pero nagkamali ako dahil maraming estudyante ang naroon sa hallway at naagaw ko kaagad ang attensyon nila. Nang marinig ko ang bulong-bulungan nila dahil sa suot kong t-shirt ay mas binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa field.

Nang makarating ako doon ay nakita ko kaagad ang dami ng tao. Bumaling ako ng tingin sa gitna at nakita ko ang mga kasamahan ni Romeo na nakapwesto na doon. Hinanap sya ng mata ko pero hindi ko sya makita kaya nagkibit-balikat nalang ako at umupo sa upuang nahanap ko. Ilang sandali pa ay nakatingin lang ako sa field, wala sa loob kong nahuli ang tingin nya sa akin sa kabila ng dami ng taong naroon. Kumaway sya sa akin kaya naglakad ako sa ibabang parte ng bench. Tinuro nya sa akin ang upuan malapit sa field at sinabi nyang doon daw ako umupo.

"Baka naman tamaan ako ng bola dito, ah." Kumento ko.

"Tss. Para namang hahayaan ko 'yun." Bulong nya pero hindi ko narinig.

"Ano?" Nagangat ako ng tingin sa kanya.

"Ang sabi ko, tatamaan ka talaga ng bola kung hindi ka sakin titingin." Masungit na sabi nya.

Kumunot ang noo ko ng dahil doon. Inawang ko ang bibig ko at akmang sasagot pa sana sa sinabi nya ng mahuli ng mata si Kristof di kalayuan sa amin. Naka uniforme sya at kasama ang iilan nyang mga kaibigan. Lumunok ako pagkatapos napapako ang tingin sa mukha nyang nakatawa. Bagong gupit sya at pakiramdam ko ay ang tagal-tagal ko na syang hindi nakikita. Ilang araw na rin simula nun at hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan 'yung iniwan nyang message sa akin na hindi ako mawala sa isip nya. Totoo kaya 'yun?

"Hey." Nagangat ako ng tingin kay Romeo ng dahil doon.

"H-ha?"

Lumunok sya pagkatapos ay humilig sa harap ko.

"This is my game. And this game is important to me so I need your full attention." Aniya.

What?

"All eyes on me, Belle." Matamang sabi nya.

Wala sa sariling tumungo-tungo ako.

"Your shirt." Bulong nya.

Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakita kong titig na titig sya sa T-shirt na suot ko. Bumaba ang tingin ko doon. Inisip kong baka naweirduhan sya dahil hindi ako maganda sa T-shirt na 'to. Sobrang laki sakin at hindi ako katulad nung mga sexy'ng girlfriend ng varsity ng basketball dito sa school.

"Pangit ba? Sobrang laki kasi sakin ng shirt mo." Sabi ko.

Hindi sya nagsalita. Kaya tinignan ko sya ulit. Nagtagpo ang tingin naming dalawa at kitang-kita ko kung paanu sya nagiwas ng tingin sa akin.

"Cheer on me. 'Kay?" Aniya at nagkamot ng batok.

"Okay. Goodluck." Sabi ko.

Bumaling sya ulit ng tingin sa akin at namula sa init ng araw. Nakita kong may sasabihin pa sana sya pero itinikom nya nalang ang bibig nya at tumakbo na papunta doon sa field.

Pinanuod ko lang sya na nagha-half run papunta doon. Inipit ko ang buhok ko sa gilid ng aking tenga na marahang umihip ang hangin. Sumabog ang iilang buhok ko sakin mukha ko kaya sinapo ko ang buhok ko at napatingin sa diretsyon na kinaroroonan ni Kristof kanina. Napatigil ako ng makita sya muli sa pwesto na 'yun at diretsyong nakatingin sa akin. Marahang kumalabog ang dibdib ko hanggang sa unte-unte itong napalitang ng maliliit na pagtusok ng karayom sa sakit ng makita ko kung paanung lumapit si Katherine sa kanya at halikan sya nito sa pisnge.

Kaagad akong nagiwas ng tingin. So, they're still in a relationship. Oo nga naman. There's no way na magbre-break ang pinakasikat na couple dito sa University and as if Kristof will let go of someone as perfect as Katherine.

Yumuko ako at natawa sa sarili ko. Wait. Teka, nasa tamang pagiisip ba ko kanina? Why the hell did I think that I miss him? Why the hell did I think about what he said to me?

Sorry. Up until now, I'm still thinking about your confession. I hope we can talk again.

Minsan iniisip ko rin, minsan iniisip ko rin kung ano kayang pakiramdam, ano kayang pakiramdam ng magmahal ka, tapos mamahalin ka rin. Anu kayang pakiramdam ng makuha mo ang isang bagay na sobra mong gusto at sobrang tagal mo ng hiniling. Ano kayang pakiramdam ng mapasayo sya at maging sayo ang lahat sa kanya. 'Yung mahal ka rin nya at hindi mo kailangang itago ang nararamdaman mo. Hindi mo kailangang magpanggap at hindi mo kailangang mangamba dahil sayo sya. Mangyayari pa ba 'yun? Pag dumating ba ang araw na 'yun sya parin ang hihilingin ko?

"SCORE!!!!" rinig kong sigawan sa field. Bumaling ako ng tingin doon at nakita kong paanu magtaas ng kamay at ngumisi si Romeo sa akin. Ngumiti din ako pabalik.

... Oh baka naman ibang tao na.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon