Chapter 31

2.2K 86 4
                                    


Chapter 31

Tuluyan akong hindi nakatulog ng dahil sa tawag na 'yun ni Kristof. It just brings down a lot of memories at hindi maganda ang epekto nun sakin dahil buong araw ko na naman syang iniisip ng dahil doon. I can't get his voice out of my head. Parang palaging nag eecho sa utak ko. Kinakabahan na tuloy ako magpasukan. Ano bang gusto nyang sabihin sakin?

"You don't have to go kung ayaw mo. But I'm telling you, magtatampo ang mga pinsan mo sayo." Sabi ni mommy habang kumakain kami.

Sumimangot ako.

"May exams po kami pagbalik sa school mom, I can't just spend my whole vacation doon. Kailangan kong mag-aral." Palusot ko.

It is that time of the year again. Our family reunion usually held sa isa sa mga beach resort ng tito ko sa Cebu o kaya naman sa Bohol. Isa lang doon sa dalawa. Taon-taon 'yun ginaganap sa pamilya namin at taon-taon din akong pumupunta. To be honest, ayaw ko naman talaga. Well, it's just typical family reunion na wala na akong ginawa kundi ang maghintay sa pagdating ng paborito kong pinsan na si Julia para may makausap ako. But this year, she's in the California to study. Hindi sya uuwi ngayong bakasyon and plano nya na mag attend ng summer lessons doon kaya hindi sya makakasama sa reunion. So, I guess I don't have reasons to go too.

"Is it because Julia will not be there? Come on. Hindi lang naman sya ang pinsan mo." Sabi ni Daddy.

Yumuko. That's not the point. Paniguradong magiging tampulan lang ako ng tukso doon kapag pumunta ako. Pag tritripan lang ako ng iba kong mga pinsan. Hindi naman sa hindi nila ako gusto, kaya lang kasi, tuwing reunion talaga ay ako ang palagi nilang nakikita. Hindi ko na alam kung paano pa ime-meet ang expectations nila sa akin. Malayong-malayo naman daw kasi ang image ko sa isang Castellano. Porket lahat sila ay magaganda.

"It's fine kung hindi sasama si Belle sa inyo Tita .I'll be here whole vacation too. Hindi ako uuwi samin. I'll take care of her." Biglang sabi ni Romeo dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata kong pinagdidilatan sya. Nang mapansin kong nilingon kami ni Kuya ay sinipa ko ang paa ni Romeo sa ilalim ng table. Shit. How can he say embarrassing things like that so easily?

Nakita ko kung paano sya mapapikit at mapakagat sa labi ng dahil doon. Umirap ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Hindi din ako makakasama sa reunion. I'll be in La Union." Sabi naman ni Kuya. Lumunok ako. See? Aalis din si Kuya kaya si Romeo lang talaga ang maiiwan dito. Binalingan ako ng tingin ni Mommy.

"Paano kong isama mo si Dom? Para kahit wala si Julia ay mag-eenjoy ka padin doon." Suhestyon nya. Kumurap-kurap ako at tsaka lang naalala.

"Ah! Dom will be in La Union too. Bakasyon din daw." Sabi ko biglang tingin kay Kuya. Parehas silang pupunta sa La Union? I heard Kuya cleared his throat pagkatapos ay pinunasan ang kanyang bibig at tsaka dinala ang kanyang pinagkainan sa sink.

Umiling-iling naman si Daddy.

"Ewan ko ba sa inyo. Ngayong malalaki na kayo ayaw nyo ng magsasama sa mga reunion natin. May kanya-kanya na din kayong lakad." Aniya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain. Kung wala si Julia talagang magiging boring ang bakasyon ko doon. Hindi naman sa hindi ko kasundo ang iba kong pinsan. Iba lang talaga ang trip nila sa trip ko. Isa pa, madalas kasi nila akong pagkaisahan pag reunion. Sa totoo lang kasi, magaganda silang lahat. Maganda naman kasi talaga ang lahi namin. Kita naman sa Kuya ko diba? Ako lang talaga ang pinagkaitan ng tadhana. Ako lang naman ang Castellano na pinuno ang mukha ng pimples.

Malamang kung sasama man ako sa reunion, dalawang bagay lang ang salitang kong gagawin. Ang kumain at ang tumunganga.

"So sasama ka?" tanung sa akin ni Cherry habang katawagan ko sya sa cellphone.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon