Chapter 2

4K 129 8
                                    


Chapter 2

Ilang araw na akong tulala. Hindi ako makatulog at hindi rin ako makakain. Daig ko pa ang heartbroken nito. Indenial parin ako sa mga nangyayari. Naiisip ko 'yung mga panahong tahimik ang buhay ko at mapayapa naiisip ko rin na malapit ng magwakas 'yun.

Tinusok-tusok ko na tinidor ung hotdog ng tapikin ni Mommy ang kamay ko. Ngumuso ako ng makitang pinadilatan nya ako ng mata.

"Don't play with food. Kung hindi ka kakain, wag mong laruin ang pagkain." Aniya sa akin. Hindi ako sumagot at binitawan nalang ang kubyertos ko.

"Kaylan ba ang dating ni Romeo?" Sunod na binalingan ng tingin ni Mommy si Kuya habang kumakain. Narinig ko palang ang pangalan ni Romeo may kung anu nang umikot sa sikmura ko. I think I'm going to vomit.

"Romeo will be here in a week mom."

"Make sure na malinis ung kabilang kwarto. Ayokong madisappoint si Caesar sa akin. I want his child to be comfortable in his stay here." Sabi naman ni Daddy.

Ngumuso ako.

"Maayos na 'yung kwarto kahapon pa. Napalitan na din ung mga bed sheets pati na ung mga kurtina. Si Romeo nalang ang kulang Pa." ngumiti si Mommy at hinawakan ang kamay ni Daddy na nasa table.

"Of course Dad. Romeo will be very comfortable here, and I'm sure ma e-enjoy nya ang stay nya dito especially because Belle is here." Kuya pat may head. Binalingan ko sya ng tingin at kulang nalang ay sakalin. Anung ibig nyang sabihin na mag e-enjoy si Romeo sa pag stay nya dito? Dahil sakin? Dahil andito ako para bully-hin nya? Walang hiya naman pala 'tong halimaw na 'to eh!

Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit hinahayaan lang ng kapatid kong 'to na asarin ako palagi ng Romeo na 'yun! Hindi ko alam kung bakit hinahayaan lang nyang bully-hin lang ako ni Romeo. Porket bestfriend sila?

"Bakit kasi hindi nalang po mag stay sa hotel? Or bumili ng condo?" Reklamo ko.

"Si Romeo mismo ang nag request na dito sya mag stay sa atin." Sagot ni Daddy.

"Okay lang po sa inyo, Dad? I mean, I'm a girl. Delikado po kaya na may ibang lalaki dito sa bahay." Depensa ko.

Kumunot ang noo ni Daddy at bumaling ng tingin sa akin.

"Romeo is not a bad person, Belle. He's your childhood friend. Matalik syang kaibigan ng Kuya mo at mabuti ang mga magulang nya sa atin. Wala syang gagawing masama sayo." Aniya.

"But-"

"No but's. Romeo is going to stay here with us and that's final." Tiniklom ni Daddy ang dyaryong binabasa nya at inubos ang kanyang kape.

Ngumuso ako at tumahimik nalang. I have to correct you right there, Dad. First, Romeo is a BAD PERSON. Alam ko 'yun! Sa lahat ng pambubully na ginawa nya sa akin noon, alam kong masama talaga sya. Second, he's not my CHILDHOOD FRIEND! He's not even my friend. Wtf!

Simula ng nalaman ko na darating si Romeo pagkalipas ng isang lingo ay mas lalong hindi ako napakali. Naging tahimik ang buhay ko sa mga nakalipas na taon dahil umalis sya para pumunta sa ibang bansa. Ngayong darating na naman sya ay ewan ko nalang talaga. Goodluck nalang talaga sa akin. Pumikit ako ng mariin. Shet na malupet. Sana napaghandaan ko manlang 'tong araw na 'to. Sana naisip ko manlang na magpatiris ng tagyawat sa derma para naman kuminis ako ng bahagya para ng makita ako ng Romeo na 'yun ay mapakain ko sya ng alikabok ko.

Humarap ako sa salamin at binilang ang tagyawat ko sa mukha. Mas konte sya ngaun kaysa nung nakaraang buwan pero alam kong may tutubo pa dito. Tinusok-tusok ko ang tagyawat ko at halos maiyak sa sakit. Naiinis ako sa sarili ko dahil naging kampante ako. Kung saan ay ginamit ko nalang talagang lahat ng mga sabon na binibigay sa akin ni Dom noon ay baka nga ang kinis-kinis ko na ngayon.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon