Chapter 18
At dahil sa wala akong ideya tungkol sa sports na nilalaro nila ay wala na akong ginawa doon kundi ang tumunganga at humikab. Naririnig ko ang walang humpay na tilian ng mga estudyanteng nakaupo din sa bench kasama ko pero dedma lang ako. Sa tuwing makakascore si Romeo at nagtitilian sila at nagwawala. Nililingon ko sila pagkatapos ay tinitignan din si Romeo. Nakita ko kung paano sya bumaling ng tingin sa akin habang nakakunot ang noo. Tumaas ang kilay ko. Oh, bakit? Anung ginawa ko?
Nagpangulambaba ako habang namimikit ang mata. Inaantok ako dahil narin siguro may long quiz kami kanina at hindi ako masyado nakatulog kakareview. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita kong naglalakad na sya palapit sa akin. Dinilat ko ng maayos ang mga mata ko at umayos ng pagkakaupo.
"Finish already?" tanung ko.
Medyo bored na rin kasi ako at gusto ko na ring umuwi.
"It's not finish yet. You can go home if you want." Aniya pagkatapos kinuha ang tubig sa gilid ko at uminom. Kumunot ang noo ko.
"What's your problem?" Tanung ko sa kanya.
Bumaling sya ng tingin sa akin gamit ang banas nyang mukha.
"Really? Hindi mo alam kung anong problema ko?"
"Hindi!" Mahina pero madiin na sabi ko.
Umirap sya pagkatapos ay humilig sa upuan ko. Napasandal ako sa sandalan ng dahil doon. Inilagay nya ang dalawa nyang kamay sa magkabilang side ng upuan at mas inilapit ang mukha nya sa akin. Nadinig ko kung paanu napasinghap ang mga babae sa likuran namin ng dahil doon. Mahina ko syang itinulak pero hindi sya nagpatinag doon.
"What do you think you're doing?" Halos bulong ko sa kanya
"Hindi kita pinapanuod ng game ko para lang maupo dyan at tumunganga. You don't even cheer on me. Mabuti pa ang mga babae sa taas naghihiyawan para sa akin." Mahinang sabi nya.
"What? Bakit ko naman gagawin 'yun?"
"Nasa University tayo. You're my girlfriend so atleast do your job." Aniya.
Kumurap-kurap ako. Really? Is he for real?
"P-puyat kasi ako."
"Then go home and sleep. Tss." Aniya pagkatapos ay umalis na sa harapan ko.
Kumurap-kurap ako dahil hindi ako makaaniwala na 'yun ang pinuputok ng butchi nya. Nag jog sya pabalik sa field at nagsimula ulit maglaro. Nang muli syang makascore ay muling naghiyawan ang mga babae sa likuran ko. Tinignan nya ko ulit pagkatapos ay tinaasan ng kilay bago muling nag-jog at nakipag-apir sa mga kasamahan nya. Lumunok ako pagkatapos ay pinanuod ng mabuti ang paglalaro nya. Nawala ata ang antok ko. Lumipad ata ang utak ko. Nakikita ko nalang ang sarili ko na sinusundan ang bawat paggalaw nya. He look surprisingly beautiful kahit pawisan na. Nang muli syang makascore ay muling naghiyawan ang mga tao. Bumaling syang muli ng tingin sa akin pagkatapos ay nag cross-arms habang tinatanaw ako. May kung ano sa loob ko na nagwala. Para bang tumakbo ang puso ko at sa di ko malamang dahilan ay hindi ko maalis ang mata ko sa kanya.
Tumayo ako pagkatapos ay magarbong pumalakpak.
"Wooooo! Ang galing! Go! Montenegro!" sigaw ko na kulang nalang ay maputol ang litid ko.
Hiningal ako pagkatapos ay sunod na binalingan ng tingin ang mga babaeng nakatingin sa akin pagkatapos ng pagsigaw ko. Lumunok ako pagkatapos ay sunod kong tinignan si Romeo na nakahawak sa tyan nya habang tawa ng tawa. Kumunot ang noo ko ng dahil doon. Tumigil sya pagkatapos ay pinaulanan ako ng flying kiss sunod nyang tumayo ng tuwid and he mouted 'I love you'. Napuno ng hiyawan ang buong field. Maraming babae ang kinilig ng dahil sa ginawa nya. Samantalang ako ay napatigil doon at namumula ang mukha.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...