Last two (2) chapters!
--
Chapter 68
Bumuntong-hininga ako habang pinasmamasdan si Kristof na bumibili ng pagkain namin dito sa may canteen. Pagkatapos ng klase ni Mam Aquino ay gusto nya akong ayain sa isang coffee shop para doon magusap pero hindi ako pumayag. Sinabi kong hindi ako pwedeng umalis dito sa school dahil dadaan pa ako sa library mamaya para kumuha ng mga resources sa thesis namin kahit na hindi naman talaga.
"I bought everything that I think you want." Aniya at inilapag sa harap ko ang tray na punong-puno ng pagkain.
Nalaglag ang tingin ko doon. "Sobrang dami naman tayo. Kahit isang sandwich lang sana. Busog naman ako."
"Puwede mo 'tong inuwi kung hindi mo mauubos." Aniya pagkatapos ay binuksan ang can ng mountain dew at diretsyong ininom 'yun.
Pinagmasdan ko kung paano umakyat baba ang kanyang adams apple ng dahil sa paginom nya. Kristof looks so good actually. Sa totoo lang ay maging pansinin nya ng dahil sa kutis nyang nangingintab ng dahil sa paglalaro ng soccer sa initan. Mas lumaki din ang katawan nya 'yun at mas pumula ang kanyang labi.
"So how are you?" tanung nya ng mapansin nakatitig ako.
Nagbalik ako sa ulirat pagkatapos ng dahil doon. "Maayos naman ako Kristof. I'm sorry kung hindi ko na nasasagot ang mga text at tawag mo. M-medyo busy lang sa thesis."
Tumungo-tungo sya. "I understand. Medyo na-praning lang ako dahil iniisip ko na baka kaya hindi mo na ako kinakausap dahil sa naging gulo sa pagitan namin nung nakaraang araw sa may corridor."
Umiling-iling ako. "H-hindi naman sa ganun."
Ngumiti sya. "Kung ganun hindi 'yun ang dahilan. I'm relieved."
Nagiwas ako ng tingin sa kanya. Wala naman ako dapat ika-guilty pero guilting-guilty talaga ako. Noon ko pa naman sinabi kay Kristof na wala na akong anumang nararamdaman pa sa kanya. Pagkakaibigan nalang ang kaya kong maibigay sa kanya at wala ng iba. Malinaw na 'yun sa pagitan namin. Pero nang magkahiwalay kami ni Romeo noon ay sya ang nariyan sa tabi ko at nagparamdam sa akin na hindi ako mag-isa. Nakita nya kong paano ako nasaktan kay Romeo noon at natatakot ako na baka husgahan nya ako ngayong nagkabalikan kami ulit.
"Kayo na ba ulit?" Biglang tanung nya
Nagulat ako sa biglaan nyang sabi. Inawang ko ang labi ko at nangapa ng salita pero wala. Hindi ko naman ito itatanggi. Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang tumungo-tungo.
"S-so kayo na ulit.." Mahina pero malinaw nyang sabi. Tinignan ko sya at nakita ko ang mabilis nyang pagkurap-kurap.
"I'm sorry." Mahinang sabi ko.
"I.." he started. "I j-just don't understand, Belle. Sinaktan ka nya." Hindi mapakali ang mga mata nya at naghahanap ng sagot.
"Sinaktan nya ako pero mahal ko parin sya Kristof. I'm sorry." Sagot ko.
Nakita ko kung paano pumula ang mga mata nya ng dahil sa sinabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil masakit sa akin ang makita syang ganito.
"Bakit kailangang sya pa? B-bakit kailangang sya ulit?" Aniya.
"Hindi ko alam. Pinilit ko namang lumimot. Pinilit kong mag move-on pero hindi ko kaya. Buong systema ko sinisigaw si Romeo. Oo at sinaktan nya ako pero pinagbayaran na nya 'yun at kitang-kita ko 'yun. Nasaktan nya ako pero nasaktan ko rin naman sya. Parehas lang kaming nagdusa. Ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko. Di ko na kayang lokohin ang sarili ko na hindi ko na sya mahal, na hindi ko na sya kayang kalimutan kasi ang totoo.. alam na alam ko na sya parin talaga at sya lang."
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
Storie d'amoreBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...