Chapter 27
Pinagmasdan ko lang syang mahigpit ang hawak sa kamay ko habang ilang ulit na lumulunok. Mabigat ang ulo ko at mabigat ang talukap ng aking mga mata pero sa kabila ng mga 'yun ay napakagandang lalaki nya parin sa paningin ko. Looking at his expression right now, hindi ako makapaniwalang si Romeo talaga ito. 'Yung Romeo na palagi aong inaasar at binubully nung mga bata pa kami. How come he ended up falling for me? Hindi ako makapaniwala. It was just so hard to believe. Hindi kaya hanggang ngayon ay pinagtritripan parin ako ng lalaking 'to?
"How come you ended up falling for me?" wala sa sariling tanung ko.
Nagangat sya ng tingin sa akin at kitang-kita ko kung paanu nangislap ang mga mata nya. "Why are you asking all of the sudden?" tanung nya.
Ngumuso ako.
"Curious lang ako. Baka kasi pinagtritripan mo lang ako." Sabi ko. Nalaglag ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko.
"I don't know. Y-you're just.. different from them." Mahina pero malinaw na sabi nya. Natawa ako at hindi ko alam kung bakit. Binawi ko ang kamay ko sa kanya pagkatapos ay sumalampak saking kama. Nakita ko ang natarantang mukha ni Romeo at mabilis na kinuha ang kumot at binato sa hita ko.
"Jesus, Belle!" Singhap nya. Tumatawa parin akong parang tanga. Hinawakan ko ang tyan ko pagkatapos ay pinakalma ang aking sarili.
"Yeah. Yeah. I'm different. Kasi naman sa lahat ng babae sa buhay mo ako lang ang pangit." Sabi ko.
"You're different because out of those girls ikaw lang nagpasakit ng ulo ko, ikaw lang nagpabaliw sakin ng ganito. You're different because you didn't fall for me. Because you hated me. And that makes me want to have you." Aniya.
Mayroong sandaling pumitik sa dibdib ko ng dahil sa sinabi nyang 'yun. Somehow, nagkaroon ako ng vision sa isip ko nung mga bata pa kami at nakikita ko si Romeo na palagi akong tinitignan o kaya ay palihim akong sinusulyapan at sa tuwing magtatagpo ang mga mata naming ay palagi ko naman syang iniirapan. I don't know. I just hate him so much. Alam mo 'yung hate na hate mo ang isang tao to the point na kahit marinig mo palang ang pangalan nya ay naiinis ka na? Ganun ang leveling ng pagka hate ko sa kanya noon. I just hate everything about him. Yung gwapo nyang mukha, 'yung laging magulo nyang buhok, 'yung pulang-pula nyang labi. Pati na ang nakakainis nyang ngisi. Kaya nga nung umalis sya para magaral sa ibang bansa ay sobrang tuwang-tuwa ako.
"Bakit hindi ka sumipot nung araw na 'yon?" biglang tanung nya.
Tinignan ko sya. What is he talking about?
"Nung araw ng alis ko. I gave you a letter. Pinapapunta kita sa park kung san ko kaya palaging nakikitang naglalaro ni Dom. Hinintay kita doon pero hindi ka dumating." Aniya.
Kumunot ang noo ko. Ah! Oo! Tanda ko na. Nung araw na 'yon ay nakatanggap nga ako ng sulat galling sa kanya. Pinapapunta nya ako sa park kung saan palagi kaming naglalaro ni Dom nung mga bata pa kami. May importante daw syang sasabihin sa akin. Syempre, nung natanggap ko 'yong sulat na 'yon ay hindi ko 'yon pinansin. Sa totoo nga ay tinapon ko pa 'yon. Bakit ako pupunta? Malay ko ba kung ano na namang pangtritrip ang gagawin nya sakin doon diba?
"What if you're up to something again? Kaya hindi ako pumunta." Nakapikit sabi ko.
I heard him sigh.
"Wala akong gagawing masama. I just want to tell you something that day."
Hindi ako sumagot at nanatili lang nakapikit ang mga mata ko. Tahimik lang ako at tumahimik lang din sya. Maya-maya pa ay bumangon ako sa pagkakahiga na kinagulat ni Romeo. Tumayo ako pagkatapos ay nagmamadaling pumunta sa CR dahil akala ko nasusuka ako pero hindi naman pala. Humarap ako sa salamin at nakita ang kalat-kalat kong makeup. Sumimangot ako pagkatapos ay inabot ang zipper ng dress ko sa likuran at nakapang nakababa na nga pala 'yun. Nilingon ko si Romeo na naniningkit ang matang pinagmamasdan ako galing sa labas ng banyo.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...