Chapter 34

2.2K 79 3
                                    


Chapter 34

Kaagad akong tinulak ni Romeo papasok ng elevator. Naiinis naman akong tinignan sya. Makatulak naman 'to!

"What?" Aniya.

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang ko at hinarap sya.

"Anong sinasabi mong sa kwarto ko?"

"Wala ng avalaible room. Saan ako mag s-stay?" tanung nya sa akin.

Umiling-iling ako.

"Kasama ko sila Mommy at Daddy sa kwarto sa hindi pwede!" pagtutol ko.

"Come on. Hindi ko naman sinabing I'll spend the night sa kwarto nyo. I just need some sleep. Pwede naman ako kumuha ng kwarto sa kabilang hotel. I don't mind." Aniya. Hindi ako sumagot at ngumuso nalang. Sabagay, hindi ko na isipin 'yun. Masyado naman kasi akong nagpanic kanina nung sinabi nyang pumunta kami sa room ko.

"Unless you want me to spend the night there." Nakangising bulong nya sa akin.

Kaagad kong naramdaman ang paginit ng mukha ko kaya naman naitulak ko sya. Bumukas ang elevator sa 5thfloor kaya naman nagmamadali akong lumabas doon. Naririnig ko ang impit ng tawa ni Romeo pero hindi ko na sya nilingon pa. Nageenjoy na naman sa pang aasar saking 'tong bakulaw na 'to.

Kinuha ko 'yung key card sa bulsa ko pagkatapos ay binuksan ang Hotel Room namin. Nauna akong pumasok sa loob at sumunod naman si Romeo sa akin. Nilingon ko sya at nakita kong inilapag nya ang kanyang bag pack sa sofa malapit sa aming kama.

"Where's your bed?" tanung nya sa akin. Itinuro ko naman 'yung kama sa may kaliwa. Dalawang king size bed kasi ang nasa loob ng kwarto na ito. Nakabukod ang kama ko kila mommy at daddy. Sa kanila 'yung nasa right side.

Ginulo-gulo nya ang kanyang buhok pagkatapos ay magarbong binagsak ang kanyang sarili sa akin kama. Pumikit sya pagkatapos ay tinitigan ko lang sya. Romeo Dimitri Mondragonin my bed. Uminit ang pisnge ko. Lumunok ako at binura kung ano man ang mga iniisip ko. Bakit ba simula ng mapalapit ako sa lalaking 'to ay kung ano-ano nang di magagandang bagay ang pumapasok sa isip ko? Hayts.

Nang idilat nya ang mata nya at balingan ako ng tingin ay halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko. Kusang gumalaw ang katawan ko at tumalikod sa kanya pero kaagad nyang hinila ang kamay ko kaya bumagsak ako sa tabi nya.

"R-romeo." Sabi ko at gusto syang itulak pero mahigpit ang pagkakayapos nya sa akin.

"Matagal pa naman sila sa labas hindi ba?" tanung nya.

Uminit ang pisnge ko.

"B-bakit mo tinatanung?" Nagpapanic ako.

I heard him chuckled. Pagkatapos ay hinaplos ang likuran ko. Shocks.

"I just want to take shower and sleep. Can I do that?" malambing na tanung nya.

Lumunok ako. Ahh. Okay. Hehe. 'Yun pala 'yun. Kala ko naman kung anong gusto nyang gawin kaya nagtatanung sya kung matatagalan ba sila Mommy at Daddy sa labas. Pumikit ako ng madiin. Oh. Mahabaging langit, patawad po sa madumi kong pagiisip.

"J-just do what you want. Now, let go of me." utos ko at tinulak ko sya sa dibdib pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang yakap nya sa akin. Bigla tuloy akong na conscious. Naalala ko kasing hindi pa nga din ako naliligo.

"Bakit ba simula nung dumating ako sa sungit mo na sakin? Akala ko pa naman namiss mo ako." Aniya.

"A-anong.. Sinong masungit? Hindi ako masungit." Sabi ko.

Hindi sya sumagot at tinignan lang din ako. Tumingala ako at tinignan lang din sya. Masyado lang siguro akong na ooverwhelm sa mga nangyayari. Hindi ko naman ako akalaing pupunta sya dito.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon