Chapter 28

2.4K 83 3
                                    


Chapter 28

Nagising ako ng dahil sa sakit ng ulo kinabukasan. Napasimangot agad ako at halos hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil sa dami ng muta dito. Isa-isa kong tinanggal ang mga muta ko pagkatapos ay naramdaman kaagad ang sakit saking ulo.

"Argh. Aray. Ang sakit ng ulo ko." sabi ko.

Umikot ikot ako sa kama pagkatapos ay hinawakan ang ulo ko sa sakit nito ng maramdaman ko ang lamig sa aking hita. Kinapa ko 'yun at kaagad na nanlaki ang mata ko ng marealized kung anong meron. Kaagad akong napaupo sa pagkatapos ay tinignan ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Nanlalaki ang mata ko ng makitang wala akong pagibabang damit. I slept with just my underwear on.

"What the hell happened?" bulong ko sa sarili ko.

Pumikit ako pagkatapos ay inalala ang mga nangyari kagabi pero wala talaga kong maalala. Ang huling naalala ko lang ay ang sugurin ako ni Katherine sa CR. Napainom ako, nahilo, nalasing pagkatapos ang sunod kong naalala ay ang hinila ako palabas ni Romeo sa club na 'yun. Lasing na lasing ako at hilong-hilo. Mukhang madami nga akong nainom. Ni, hindi ko nga alam kung nakapagpaalam ba ako kila Cherry at Irene eh.

"Hello?" Paos na sabi ko ng sagutin ko ang tawag ni Cherry sa akin.

"Oy babae! Anung nangyari sayo kagabi? Bat bigla kang nawala, aber? Nakailang missed calls kami sayo pero hindi mo sinasagot ang tawag namin!" Aniya.

"Hindi ko alam. I mean, hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Basta pag gising ko andito na ko sa bahay."

"Are you serious? Naglasing ka ba?"

"Ata? Masakit ang ulo ko." Sabi ko.

"Hay nako. Malamang si Romeo ang naguwi sayo kagabi." Aniya.

Napatigil ako. "Huh? Pano mo naman nasabe?"

"Eh, sabay kayong nawala ni Romeo kagabi eh. Tinatawagan din namin sya pero hindi din nya sinasagot ang tawag namin. Malamang sya ang naguwi sayo." Aniya.

Lumunok ako pagkatapos ay yumuko. Si Romeo nga ba?

"Anyways, Kagabi kasi nilapitan kami ni Kristof. Hinahanap ka nya samin."

Nanlaki ang mata ko.

"W-what? Bakit daw?"

"I don't know. Basta hinahanap ka nya. Doon nga namin na realized na bigla ka nalang nawala. I don't know kung anong meron kay Kristof kagabi. Basta ilang beses syang pumunta sa table namin para hanapin ka. Ilang beses din syang dumudungaw sa pwesto namin. Nagusap ba kayo?" tanung nya.

Hindi ako nakapagsalita at kaagad na naglaro sa isip ko ang itsura ni Kristof habang hinahanap ako kagabi. God, I am curious as hell. Bakit nya ko hinahanap?

"Oy! Belle!"

"H-huh?"

"Anyare sayo? Binanggit ko lang si Kristof nawala kana sa sarili. As I was saying, nag-usap ba kayo?"

"H-hindi." I lied.

"Tss. Much better." Aniya.

"A-ano pang nangyari kagabi nung nawala ako?" tanung ko.

"Nako girl! Windang na windang ang lahat kay Katherine!" Halos matawa-tawa sya.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Wawal to the max si ate mong girl. Nageskandalo sya sa bar kagabi. Iyak sya ng iyak nung lumapit sya sa table nila Kristof. Gustong makipagbalikan ng bruha!" Aniya.

Nanlaki ang mata ko.

"What? Ginawa nya yon?"

"Yup. At ito pa. Mukhang hindi pumayag si Kristof, kasi ang sabi nya.. sa pagkakarinig ko ha! Ang sabi nya susundin na daw nya kung sino talaga yong babaeng mahal nya. Hindi na sya magpapaloko pa kay Katherine. Sa lalong nagkagulo. Sigaw ng sigaw si Katherine kasi gusto nyang malaman kung sino ung babaeng tinutukoy ni Kristof."

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon