Chapter 60

2.2K 79 16
                                    


Last ten (10)

--

Chapter 60

Naninigas ang paa ko at hindi ako makagalaw. Ilang minuto din akong nakatayo doon; tinitimbang kong dapat ko pa ba syang lapitan o hindi na. Kinalaunan ay naglakas nadin ako ng loob para itulak ang pinto at dahan-dahan na lumapit sa kanya. Tumayo at huminto ako sa mismong harap nya at tsaka ko lang napatunayan na sya nga ang humihikbi kanina pa.

"Romeo." Mahinang sabi ko na halos naging bulong na.

Hindi sya sumagot kaya lumuhod ako sa harapan nya. Hinawakan ko ang magkabila nyang pulso para alisin ang kamay nya sa kanyang mukha pero malakas sya at hindi nya ako hinayaan. Nawala ang paghikbi nya pero napalitan ito ng mahihinang tikhim ng iyak.

"Romeo." Sabi ko ulit. Muli kong hinila ang kamay nya sa kanyang mukha at hinayaan nya naman akong tanggalin 'yun. Tumambad sakin ang luhaan nyang mukha.

Pakiramdam ko ay nawasak ang puso ko ng makita ang mukha nyang punong-puno ng luha. I've seen Romeo cried before pero hindi ganito. He looks so so broken at kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata nya. Nalaglag ang panga ko at hindi nakapagsalita. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan lang din sya. Hindi sya kaagad nag salita at tinignan lang din ako gamit ang lumaan nyang mga mata. He looks so damn good even when he's crying and it's not fair.

"I.." Panimula ko pero hindi ako makakapa ng salitang pwede kong sabihin. I feel so bad. Is he crying because of what I told him?

"I'm sorry, Belle. Can you.. can you just go?" Sabi nya sa gitna ng kanyang mga hikbi. Paulit-ulit nyang pinupunasan ang mga luhang parang gripong nalalaglag sa mga mata nya pero para bang hindi ito nauubos. Hindi ako kumilos at pinanuod lang sya. Para akong nagkaugat dito sa kinauupuan ko at hindi ako makakilos.

"Why.. why are you crying?" I finally managed to asked.

Ang tanga lang kasi tinatanung ko pa. Pero kasi, when someone is crying your instinct automatically ask 'why'kahit alam mo naman na ang dahilan. I guess hindi ko lang talaga alam kong paano ako magrereact o kung ano ang dapat kong sabihin kaya ko 'yun tinatanung.

"I'm crying because I lost you." Kinagat nya ang ibabang labi nya at panibagong luha ang bumuhos galing sa kanyang mga mata. "I lost you and I can't accept it. Hindi ko matanggap na pagkatapos ng lahat mawawala ka lang pala sakin." Aniya.

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang sya. Ang pagpiyok ng kanyang boses at ang pag-nginig ng kanyang balikat ng dahil sa pagiyak ay nagpapawasak ng puso ko. It hurts seeing him this way. Malayong-malayo ito ngayon sa Romeo na nakilala ko. The Romeo that I used to know is a proud and arrogant Romeo at hindi ang Romeo na nasa harapan ko ngayon.

"For the past month, wala na akong ginawa kundi ang magisip ng paraan kung paano kita mapapabalik sa akin. Halos mabaliw na ako kakaisip. I was so scared dahil alam kong nasa tabi mo si Kristof. Natakot ako na baka bumalik ang nararamdaman mo sa kanya. He is far from me. He's your ideal type after all." Aniya. Hindi mapakali ang mga mata nya. He looks so terrified and worried.

"He's just my friend-"

"He didn't see you just a friend. He wants more! He loves you! The way he looks at you, I knew it! He wants you Belle. Kitang-kita ko yon. Palagi kayong magkasama. I once saw you two laughing at each other. It breaks me because you look so damn okay. Pakiramdam ko naka-move on naka sakin. Pakiramdam ko okay kana. Nung gabi na binalikan mo ako sa ospital nakaramdam ako ng pag-asa. I knew there were still hope. When I asked you for a second chance and you said yes, I swear I am the happiest man on earth. Kaya kahit na kinamumuhian ko ang ama ko, nilunok ko na ang putanginang pride ko para lang makabalik ako sa University at magkaroon ng apartment para sayo. Because I want to be good for you. I want to be good for you Belle." Aniya at tinignan ako.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon