Chapter 65

1.5K 55 4
                                    


Chapter 65

Pumasok na ako sa OJT at hinatid ako ng aking driver. Katext ko si Romeo at gusto nya akong daanan dito para daw sya ang maghatid sa akin pero hindi ako pumayag dahil alam kong may pasok din sya ngayon. Dahil sa ilang ulit nyang pag drop sa mga subjects nya at sa palagian nyang pagaabsent at pakikipag away ay uulit sya mula sa first semester ng fourth year college. Nasa huling semester na ako at tinatapos ko nalang ang nalalabing oras ko sa OJT pagkatapos ay ang thesis ko nalang ang aasikasuhin ko bago ako grumaduate.

Romeo:

Susunduin nalang kita dyan. 3PM ang uwi ko.

Ngumuso ako at mabilis syang nireplyan.

Ako:

Pero 5PM pa ang out ko.

Bumaling ako sa labas ng makitang inihinto na ng driver ang sasakyan. Isinabit ko sa balikat ko ang bag ko pagkatapos ay bumaba na.

"Salamat po Kuya JR. Magtetext nalang po ako kung magpapasundo ako." Sabi ko sa kanya. Tumungo-tungo naman sya sa akin pagkatapos ay umalis na din. Pumasok ako sa loob ng building matapos kong ipakita ang ID ko. Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot 'yun bago binasa ang reply ni Romeo.

Romeo:

It's okay. I'll wait for you.

Ngumiti ako pagkatapos ay pumasok na sa loob ng elevator nang magbukas ito. Parang gusto ko na tuloy mag early out para makasama kaagad sya pero syempre hindi ko gagawin 'yun. Baka kasi sabihin ng mga kasama ko dito na may special treatment ako.

Nang makarating na ako sa department namin ay inilagay ko na ang gamit ko pati ang aking cellphone sa locker. Kinuha ko ang cardigan ko dahil nilalamig ako sa aircon pagkatapos ay nagsimula ng magtrabaho. Good mood ako at mabilis ang aking pagkilos. Panay ang tingin ko sa oras at nagdasal na sana ay bumilis na 'yun. Gusto ko ng mag alas singko. Gusto ko ng makasama si Romeo. Miss na miss ko sya kahit na kakakita lang namin kahapon.

Nang mag lunch break ay kinuha ko ulit ang cellphone ko sa locker. Tulad ng dati ay hindi na ako sumama sa mga kasamahan ko na kumain sa labas dahil pinaghanda din ako ng baon ni Mommy kanina kaya naman andito lang ako ngayon sa desk ko kumakain. Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang iilang text ni Romeo doon.

Romeo:

I miss you.

Ngumiti ako at nagreply.

Ako:

Lunch Break ko na. I miss you too. I can't wait to see you later.

Uminit ang pisnge ko ng maisend ko 'yun. Pakiramdam ko ay mas nagiging vocal na ako kay Romeo pagdating sa nararamdaman ko. Hindi na ako masyadong nahihiya na sabihan sya ng mga ganung bagay.

Nang magalauna ay bumalik na ako sa pagtratrabaho. Halos wala na nga akong magawa dahil natapos ko nang lahat kanina kaya tumutulong nalang ako sa iba.

Bumaling ako sa orasan at nakitang 3:30PM na ng hapon. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay binalingan ang document na nasa harapan ko na kailangan kong ipa photo copy. Tig fifty copies ang kailangan kong I-print sa dokumento na ito at gusto ko nalang matapos na. Parang kinikiliti ang tyan ko isipin ko palang na baka naroon na sa Romeo sa baba.

"Belle! Pasuyo naman please. Paki bigay nalang to sa Head nang Accounting Department. Kailangan nila ito ngayon. Nagmamadali na kasi ako. Isasama daw ako ni Mam Suarez sa meeting ngayon!" Sabi ni Marjorie sa akin. Isa sa mga kasamahan ko dito sa OJT.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon