Chapter 55
"Stay."
'Yun lang ang salitang sinabi nya pero natigilan na ako. Kumilos ng kusa ang katawan ko bago pa makapagreact ang utak ko. Awtomatikong napaupo ako kaagad sa upuan at hindi sya binalingan ng tingin kahit na ramdam na ramdam ko ang init ng titig nya sa akin. Pumikit ako ng mariin. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa kinilos ko. Hindi ko din alam kung bakit, basta nagsalita lang sya at parabang alam na alam ng katawan ko kung paano sya sundin.
Panay ang lunok ko at pinako lang ang tingin ko kay Nana na chinecheck ng Nurse. Panay ang sulyap sa akin ni Nana at nakangiti na sya ngayon. Kanina ang tamlay-tamlay nya pero ngayon hindi ko alam kung anong nangyari at biglang umaliwalas ang mukha nya. Ngumiti lang din ako pabalik sa kanya at bumaling sa orasan. Hindi ko alam kung bakit pero para bang napakabagal ng oras. Literal na naririnig ko ang mabagal na paggalaw ng kamay ng orasan at halos mabaliw ako sa ideya na nasa iisang kwarto kami ni Romeo ngayon. Eversince our break-up, ito nalang ulit ang unang beses na nasa iisang close space kami na ganito.
Nang matapos na I-check ng nurse si Nana ay lumabas na din ito matapos syang painumin ng gamot. Normal naman ang BP nya pati na ang iba nyang vital signs. Isang beses pang pinaalala ng nurse sa kanya na once maging okay ang results ng lahat ng test ng ginawa sa kanya ay maari na syang lumabas ng ospital sa susunod na araw.
"I.. I need to go home and bring you some clothes." Dinig kong sabi ni Romeo sa kanya at hinalikan sya sa noo. Pinanuod ko lang sila. Pumikit si Nana at dinama ang halik ni Romeo sa noo nya. This sight is very lovely.
"Just come back tomorrow morning. You need to rest too. You haven't been sleeping lately." Dinig kong sagot ni Nana. Napangiti ako dahil isang bagay lang ang narealized ko, Nana loves Romeo so damn much. Hindi malapit si Romeo sa mga magulang nya so I can almost picture out the fear and the terror Romeo must felt ng maospital si Nana.
Tumanggi si Romeo at sinabing babalik sya but Nana insisted. She's actually right. Romeo looks like he hasn't been sleeping a lot. I do think that he needs to rest too. Paano kong sya naman ang magkasakit? Wait.. wait? Why am I even concerned? Pumikit ako ng mariin pagkatapos ay binura kong anuman ang nasa isip ko at tumayo ako sa kinauupuan ko.
"I need to go home na din po Nana. It's late." Sabi ko.
Parehas silang napatingin sa akin. Pero na kay Nana lang ang mga mata ko. I don't want to look at Romeo. I'm afraid to look at him at hindi ko alam kung bakit. I don't want him to talk either.
"Can't stay a little bit longer?"tanung ni Nana sa akin.
Umiling-iling ako.
"I have OJT tomorrow early in the morning so I can't stay po. I'm sorry." Sabi ko.
Naglakad ako palapit sa kanya para humalik sa pisnge nya at magpaalam. I am fully aware of Romeo's stare pero hindi ako tumingin sa kanya. Romeo didn't move hanggang sa makarating ako sa gilid ng kama ni Nana. I went to the side kung nasaan si Romeo dahil mayroong isang malaking table na nasa kabilang side na kama so I have no choice. I lean and give her kiss in the cheek at niyakap sya. I can feel Romeo's hot breath as he moves behind me para mayakap ko ang lola nya.
"When are you coming back?" tanung nya Nana sa akin. Inawang ko ang bibig ko at naawa sa mga mata nyang punong-puno ng expectation sa akin. Pilit akong ngumiti at nangapa ng salita. How can I tell her that I'm not coming back?
"I.. I don't know. I'm quiet busy na din po kasi." Sabiko.
"Atleast you can drop by sa bahay to visit me there." Aniya. I gasp. It would be so awkward. I love Nana but Romeo is living there. Parang hindi naman ata maganda na pumunta pa ako doon gayong wala na kaming dalawa ng apo nya.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...