Chapter 48

1.9K 84 22
                                    


Chapter 48


I knew it! I freaking knew it! It's a bad idea that I'm here and it's a bad idea that Fatima is here too. I am so damn annoyed right now at sobrang nasasaktan ako sa tuwing sinasabi nya o binanggit nya ang tungkol sa kung anong meron sa kanilang dalawa ni Romeo noon. Wala ako nung mga panahon na 'yun sa tabi ni Romeo at hindi ko mapigilan ang sarili ko na magselos sa tuwing nagsasabi sya ng mga bagay na hindi ko alam kay Romeo. She knows Romeo so well at naiinis ako dahil pakiramdam ko ay ako lang itong walang kaalam-alam tungkol sa kanya.

Nangangatog ang paa ko pero nagawa ko pading umakyat sa kwarto. Sumalampak ako sa kama at pinikit ng madiin ang mga mata ko. My head is a mess. Gulong-gulo ang utak ko. Halo-halo ang lahat mga emosyon na nararamdaman ko at hindi ito pamilyar lahat sa akin. I am not used to this at nakakabaliw ito.

Hindi ako bumaba sa kusina kahit na nung nagluluto na si Nana at Fatima ng hapunan sa ibaba. I feel bad though. Alam kong sinabi kong tutulong ako sa paghahanda pero sumama na ang pakiramdam ko. I suddenly don't want to face them anymore.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ako gumalaw hanggang sa naramdaman ko ang dampi ng halik ni Romeo sa ulo ko.

"Hey. Dinner's ready." Sabi nya sa akin.

Hindi ako sumagot pero tumayo ako sa kinatatayuan ko para bumaba at kumain. Nasa harap na ko ng kainan pero wala akong gana. Panay ang sulyap ko kay Nana pati na kay Fatima na naguusap. Masaya sila at mukhang magkasundong-magkasundo. Lumunok ako ng madiin habang pinagmamasdan si Fatima na panay ang ngiti at sulyap kay Romeo. Halos kapusin ako ng hininga. I can't believe that Romeo is so clueless about this! Nasa harap na nya ang katotohanan pero bakit parang hindi nya nakikita?

Fatima is inlove with him! So freaking in love!

"Nana. Happy birthday po ulit! Salamat po sa dinner." Sabi ko at niyakap si Nana. Niyakap nya din ako pabalik.

"You're welcome hija, pero okay ka lang ba? Mukhang matamlay ka."

"Okay lang po Nana. Magpapahinga na po ako sa taas." Sabi ko.

Nilingon ako ni Romeo ng dahil doon. Nakita kong inawang nya ang labi nya na tila may sasabihin pero hindi ko na sya pinagbigyan pa. Umakyat ako sa second floor pagkatapos ay kaagad na kinuha ang cellphone ko at binuksan 'yun. Hindi nga ako nagkamali dahil sandamakmak na messages and natanggap ko galing sa mga kaibigan ko pati na kay Kuya. Bumuntong-hininga ako dahil biglang naguilty ako sa pagalis ko. Inilapag ko ang cellphone ko sa kama ng magulang ng mag ring ito. Kaagad ko 'yung kinuha pagkatapos ay nanlaki ang mata ko ng makitang si Kristof ang tumatawag. Sinagot ko 'yun.

"Hello?"

"Belle? Thanks God!" Aniya.

Lumunok ako. "Napatawag ka?"

"Are you seriously asking me that question? I'm calling you this past few days pero I can't get through."

"Sorry." Bulong ko.

"I heard from your friends. They're worried too. Where are you?"

"I am fine, Kristof. Don't worry."

"Don't worry? Pwede ba yon? Bigla ka nalang nawala. Walang nakakaalam kung nasan ka. Are you with Romeo?" tanung nya.

Tumungo-tungo ako.

"Yes."

"You need to go home."

"I.. I can't. Magulo sa bahay ngayon and I need to be with Romeo right now."

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon