Chapter 3
Pinagpawisan ako ng malamig. Lumunok ako ng ilang ulit pagkatapos ay tumayo ng tuwid. Anu nga 'yung sasabihin ko? Shet. Bakit wala na kong masabi? Sa pagkakatanda ko ni-rehearse ko na kung anung sasabihin ko sa kanya pag nagkita kami ah. Pero ngayon ay para bang walang pumapasok sa utak ko. Titig na titig lang ako sa kanya. Ilang taon na ba ang lumipas? Apat na taon hindi ba? Sa apat na taon na 'yun, hindi ko manlang ba natandaan ang mukha nya? Mula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa. Sa tagal na panahon na 'yun, hindi ko manlang ba na-memorized ang mukha nya?
I hate to admit it but he looks so good and it pisses me off. May pera naman ako, bakit hindi ako napaganda nitong nakalipas na apat na taon para naman kahit papaano pwede ako itapat sa daliri nya sa paa hindi ba?
"What? Natulala ka? Na-miss mo ko?" Ngumisi sya at muli rito ay kitang-kita ko ang pantay at puting-puti nyang ipin.
Ngumiti ako.
"Oo. Namiss kita." Sabi ko.
Nakita ko kung paanu sya natigilan ng dahil doon. 'Yung mukha nyang nakangisi ay napalitan ng gulat. Mukha na syang nataranda ng dahil sa sinabi ko. Tumaas ang kilay nya kaya sinumangutan ko sya pagkatapos.
"Na miss kong sampalin yang pangit mong mukha kapag inaasar mo ko." Sabi ko pagkatapos ay tinalikuran sya.
Naghugas ako ng kamay sa gripo. Nilingon ko sya pagkatapos.
"Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung mga pangaasar mo sa akin noon. I'm still mad at you! Don't come near me, hear me?" Tinaasan ko sya ng kilay.
Tulala sya at hindi nakasagot. Hindi ko narin hinintay pang sumagot sya at mabilis na akong tumakbo paakyat saking kwarto. Halos magkanda dapa-dapa na ako sa pagkataranta. Nang makapasok ako sa loob at kaagad kong ni-lock yun. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng dahil sa kaba. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaiwalang andito na nga sya. Ang malala pa ay andito sya sa pamamahay namin.
Buong gabi na akong hindi makatulog. Dilat ang mga mata ko hanggang sa pangkinabukasan. Nagkakaroon na ako ng malalang brainstorming kung ano ang dapat kong gawin ngayon narito na ang kaaway ko sa loob ng aming pamamahay. Pero maguumaga na ay wala parin akong nakakapang sagot.
Isa lang naman ang alam kong pwede kong gawin; Ang hindi sya pansinin.
Mula kasi nung mga bata kami ay hindi naman talaga ako nananalo sa kanya. Kapag inaasar nya ako o binubully ay ilang ulit din naman akong nagtangkang gumanti pero wala parin. Wala paring kwenta. So, 'yun nalang siguro ang dapat kong gawin. Hindi ko nalang sya papansinin at katulad ng dati ay magpapanggap nalang ako na hindi sya nag-eexist sa mundong ito.
Nakatulog naman ako pero parang isang oras lang ata. Nung himbing na himbing na ako tapos tsaka pa tutunog ng bongga ang alarm clock ko. Kailangan ko ng pumasok sa school. Humikab ako at humarap sa salamin. Pagkatapos kong mangulangot ay binilang ko na naman ang mga pimples ko sa mukha. Parang routine ko na ito araw-araw.
"Six.. Seven.. Eight?" Mahinang sabi ko pagkatapos ay nagkamot ng ulo. Nadagdagan sila ng dalawa. Siguro dahil wala akong tulog kagabi ganun?
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na rin ako sa salas. Tumaas ang kilay ko nang makita ko na silang lahat na nakaupo sa dining table at nagtatawanan. Handa na ang almusal. Sumimangot ako ng lingunin ako ni Romeo.
"Good morning." Bati nya sa akin.
Lumunok ako pagkatapos inalala ang planung pinagisipan ko buong magdamag.
IGNORE HIM. IGNORE HIM.
Inirapan ko sya pagkatapos ay dumiretsyo sa upuan ko. Sinundan ako ng tingin ng nakakunot-noong si Mommy.
"Did you have a good night sleep?" Sabi nya ulit.
Ha? Anu un? May nagsasalita ba? Kunwaring nagtanggal ang ng tutule sa tenga.
"Mukhang galit parin sa akin si Annabelle." Nagulat ako sa malungkot nyang boses.
Ngumuso ako pagkatapos namili ng iuulam ko ng marinig ko ang boses ni Mommy.
"Belle!" Aniya.
Halos mapatalon ako sa gulat. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang banas nyang mukha.
"Y-yes, Mommy?"
"Kinakausap ka ni Romeo, wag ka namang bastos!" Aniya.
Nalaglag ang panga ko ng dahil doon. Binalingan ko ng tingin si Romeo na matikas na nakasandal sa kanyang upuan habang naka cross arms at naka ngising pinagmamasdan ako.
"Aw. Tita. It's fine. Ok lang po talaga. Kahit na medyo na-hurt ang feelings ko." Malungkot na sabi nya at papikit-pikit pa. Muntikan na kong masuka. Artista pala 'to? Bat di ako na-inform?
"Anu po bang dapat kong sabihin sa kanya?" Sabi ko
"Annabelle! Wag kang bastos sa bisita natin!" si Daddy naman ang sumaway sa akin.
"Daddy naman-"
"Naku Tito. Ok lang po. No worries. Siguro nahihiya lang si Belle sa akin kasi matagal nya kong hindi nakita." Aniya.
Nanlaki ang mata ko. WHAT?
"Sinong nagsabing nahihiya ako sayo?" Tumaas ang kilay ko.
"Halata naman sa kilos mo. Hindi ka nga makatingin sakin ng direstyo, you know what, I completely understand." He smirked.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at ibinuga ang lahat ng inis at galit ko sa hangin. Kung wala lang ang parents ko dito, malamang kanina ko pa sinabunutan 'tong lalaking 'to eh.
"Pasensya ka na sa kanya, ijo. Alam ko naman si Belle. Ganyan talaga yan. Siguro nga ay nahihiya lang sya sayo." Hinawakan ni Mommy ang kanya nya. Galit akong binalingan sila.
"Hindi nga po ako nahihiya sa kanya, Mom!" Depensa ko sa sarili ko.
"Stop shouting and finish your food." Pinandilatan ako ni Mommy.
Humulukipkip ako at halos maiyak sa inis. Kararating lang nya kahapon at nakakaisa na sya sa akin at alam kong nauumpisa palang sya. Hindi ko nalang talaga alam kung ano pang gagawin nito sa mga darating na araw. But, one thing is for sure. Magiging miserable na talaga ang buhay ko nito.
<-��;>
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...