Chapter 53

1.5K 61 7
                                    


Chapter 53

OJT came. Since my sarili naman kaming kumpanya ay napili kong doon nalang din mag OJT. Nung nag OJT si Kuya Diego ay doon din sya sa kumpanya namin kaya naman nag suggest si Daddy na doon nalang din ako para naman kahit papaano ay magkaron ako ng ideya kung paano magpatakbo ng negosyo. Ayaw din naman kasi ni Daddy na magtrabaho pa ko sa iba after I graduated. Syempre gusto nya na dun nadin ako sa company namin magwork after college. Pagkatapos ng college, pangarap ko din talagang magtrabaho sa isang mga kumpanya para naman magkaroon ng experience. Hangga't maaari ang gusto ko sana ay tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi naman sa hindi ako thankful sa kung anong meron ako ngayon, sa totoo lang ay sobrang blessed ako at nagpapasalamat ako dahil hindi na ako mahihirapan maghanap ng trabaho after college dahil may kumpanya naman kami. Kaya nga lang, gusto ko ring tumayo sa sarili ko. I want to be independent. I want to be free from my parents shadows. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko. I want to do something that I love doing.

"Hindi ka ba kakain?" dinig kong tanung ni Mommy kay Daddy habang pababa ito ng hagdan. Nagangat ako ng tingin at nakita ko ang sulyap na binigay ni Daddy kay Mommy. Mukhang nagulat sya at andito sa Mommy ngayong umaga. Kadalasan kasi umaalis si mommy ng umaga at bumabalik nalang kapag wala na si daddy at nakapasok na sa trabaho. Hindi naman sa umiiwas si mommy kay daddy, she just don't want my dad to be uncomfortable. Ayaw nya din ng gulo kaya sya nalang ang umiiwas. Ilang beses ang ginawang pagkurap ni daddy bago nagiiwas ng tingin at inayos ang kanyang collar. Ngumuso ako. It looks like he misses her. Halatang halata 'yun sa mga titig nya.

"Hindi na. I'm late" Akmang aalis si Daddy at sundan sya ni Mommy

"Wait. Baon mo. I cooked for you. Hindi mo ba dadalhin?" Aniya, hopeful.

Alangan si Daddy nung una pero di kalaunan ay nakita ko din na kinuha nya ang baunan sa kamay ni Mommy. Tumalikod si Daddy sa kanya pero huling huli kong kong paano gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mommy. Ngumiti din ako. Ito ang unang beses na tinanggap ni daddy ang binibigay na baon ni mommy sa kanya simula nung away nila. My mom looks surprise yet happy.

Hindi pa sila okay. But Mommy is staying at our house again. Pinangako nya sakin na hindi na sya aalis pa and she will try to work out everything with my Dad dahil ayaw nyang masira ang pamilya namin. Hindi na sila nagaaway ngayon but they're still sleeping in separate rooms. Hindi ko alam kung galit paba si Daddy kay Mommy pero hindi nya padin ito kinukibo. Bawat araw ay may improvement. Katulad nalang ngayon, tinanggap ni Daddy ang nilutong baon sa kanya ni Mommy.

I couldn't ask for more. Hindi ko naman sinasabi na gusto ko ang set-up nilang dalawa pero para sa akin ay mas okay na ito kaysa sa wala. I can't afford to lose my parents, both of them. Parehas ko silang mahal at ayaw kong masira ang pamilya namin. Wala naman sigurong tao ang gustong masira ang pamilya nya, hindi ba? But somehow, I feel contented to the way things are, I learned not to push anything. Pushing things can lead to pain and disappointments. Sa ngayon, I just go with the flow. I just let things fall into its proper places. Hindi man ngayon.. I know soon enough I'll happen.

Hinalikan ako ni Mommy sa noo pagkatapos ay kinuha ang pinagkainan ko para ilagay sa sink.

"Take care." Aniya.

Tumungo-tungo ako pagkatapos ay sumakay na sa kotse dahil ido-drop ako ng Driver sa office para sa aking OJT. Yes. I got a driver. Takot padin akong magmaneho ng sasakyan at pakiramdam ko ay habang buhay ako matatakot. I feel like driving isn't for me. Mabilis kasi akong magpanic at ma pressure. Kaysa naman kung sino pa ang masagasaan ko sa daan ay mas mabuti ng ganito nalang.

Everything went fine sa opisina. Hindi naman mahihirap ang ibinibigay na task sa akin kaya naman nagagawa ko naman ito ng maayos. The environment is good, my co-worker are nice too. Minsan nga lang naiilang silang mangutos sakin dahil siguro alam nilang anak ako ng mayari ng kumpanya pero sinabihan naman sila ni Daddy sa orientation na I-trato nila ako bilang isang ordinaryong employee lang dahil 'yun naman talaga ako. I don't want special treatments also.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon