Chapter 37

1.9K 74 4
                                    


Chapter 37

Hindi ko na nilingon pa si Kristof kahit na nadinig ko pa ang ilang ulit na pagtawag nya sa pangalan ko. Nagmamadaling hinabol ko si Romeo at nakitang pababa na sya ng hagdan hanggang papuntang first floor. Sinundan ko sya at ng maabutan ko sya ay kaagad kong hinila ang braso nya. Napatigil naman sya at napalingon sa akin.

"What?" tanung nya.

Inawang ko ang ibabang labi ko pero walang lumabas na salita doon.

"Hm-" Nangapa ako ng salita.

"Why did you follow me?" tanung nya 'yun.

Lumunok ako pagkatapos ay nagisip. Oo nga. Why did I follow him? Bakit ko nga ba sya sinundan dito? Hindi ko alam! Crap! Kusang kumilos lang ang katawan ko para sundan sya. Mukhang nainip sya sa paghihintay sa sasabihin ko kaya akmang tatalikod na sya sakin para umalis pero hinigpitan ko ang hawak sa braso nya. Pinadulas ko ang kamay ko sa palad nya at napatigil syang muli ng dahil doon. Bumagsak ang tingin nya sa kamay kong nahawakan sa kamay nya. Lumunok ako. Come on, Belle. Say something.

"Mukhang marami kang gustong ipaliwanag sakin, Belle." Aniya.

Nagangat ako ng tingin. He looks pissed and I know it. Hindi naman nya nadinig 'yung usapan namin ni Alec hindi ba? Nakita nya lang kaming magkausap. Pero hindi nya naman nadinig kung ano ung usapan namin hindi ba?

"It's not what you think." Sabi ko.

Tumaas ang kilay nya. "Bakit? Ano bang iniisip ko?" Aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"N-nakaupo lang ako doon. Sya ang lumapit sa akin—"

"Did he confess to you?" diretsyo nyang tanung.

Natigilan ako ng dahil doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumunok. Narinig ko ang sarkastikong ngisi ni Romeo.

"Mukhang pagkatapos ng nangyari sa Cebu ay gulong-gulo ka parin hanggang ngayon. We're not going to talk hangga't hindi pa malinaw ang isip mo." Aniya at tinalikuran ko.

Naiwan akong nakanganga doon. Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad palayo sakin at pakiramdam ko ay kung anong nadudurog sa loob-loob ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at gusto syang tawagin pero hindi ko magawa. Bakit ba kasi ganito ako? I'm always having a hard time putting my feelings into words. Hindi ko masabi kong ano talaga ang nasa loob at isip ko.

Bumalik ako sa klase na tulala pagkatapos noon. Hindi ko na hinabol pa sa Romeo at hinayaan nalang sya dahil alam kong galit sya sa akin. Susubukan kong kausapin sya ulit kapag medyo malamig na ang ulo nya. Hindi ko talaga alam kung bakit naiipit ako sa sitwasyon na 'to. Now, Romeo is mad too dahil gulong-gulo ako sa sarili ko.

"Nakita naming nilapitan ka ni Kristof, anong nangyari?" tanung ni Cherry sa akin.

Umiling-iling ako habang nakatitig sa notes ko. Mayroong pinapagawang activity an gaming professor pero wala akong maisagot. Parang di ko ata naintindihan ang lesson kanina.

"Nagsorry lang sya sakin dahil sa nangyari noon." Sagot ko.

"Ganun? Bakit ngayon pa? Sa tinagal-tagal ngayon lang nagsorry sayo?"

Tinagilid ko ang ulo ko.

"Break na sila ni Katherine. Sinabi nya sakin na nagbago na daw si Katherine at parang hindi na daw 'yun ang Katherine na nakilala nya."

"What? Tapos?" Sabi ni Irene at humarap sa akin. Mukhang nakalimutan na ata nya ang may activity kaming daming gawin.

"He said.. He likes me and he wants to start over again.. Kaming dalawa." Sabi ko.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon