Chapter 66

1.6K 49 3
                                    

WARNING: Contains SPG scene. Read at your own risk.


LAST (4) FOUR CHAPTERS!

-


Chapter 66

Nang magising ako kinabukasan ay naramdaman ko kaagad ang pagtama ng liwanag na nanggagaling sa malaking bintana ni Romeo dito sa kwarto nya. Sinalag ko 'yun gamit ang isa kong palad pagkatapos ay binalingan ng tingin si Romeo na mahimbing pading natutulog. Malalalim nyang paghinga nya at mapayapa ang kanyang mukha. Mukha syang mabait na bata kapag tulog. Gumalaw ako ng kaunte pagkatapos ay naramdaman ang bigat ng braso nya dahil nakayapos sya sa akin.

Hindi ako kumilos pagkatapos ay pinagmasdan lang sandali ang maamo nyang mukha habang nagtutulog. Ngumiti ako. I can stay like this forever. This is what I am praying for. Ang matulog sa gabi na mukha nya ang huli kong makikita at ang magising sa umaga na sya rin ang una kong makikita.

Hinaplos ko ang mukaha nya at halos mapatalon ako ng makita ang unte-unteng pag bukas ng kanyang mga mata. Nang makita nyang nakatitig ako sa kanya ay kitang-kita ko kung paano pumorma ang matatamis na ngiti sa perpekto nyang labi.

"Good morning." Paos na bati nya. Uminit ang pisnge ko at binati rin sya.

"G-good morning. Nagising ba kita?" Umiling-iling sya pagkatapos ay inilapit ako sa kanyang dibdib. Yumakap ako sa kanya at ganun din sya sa akin.

"Nope. But I still want to sleep." Bulong nya sa tenga ko.

"Again?" tanung ko pero hindi na sya sumagot.

Ilang sandali kaming nanatiling ganoon. Hinayaan ko syang makatulog ulit kahit na hindi na ako inaantok at gising na gising na ako. Nang bumaling ako ng tingin sa orasan ay nakita kong mag aalas otso na ng umaga. Unte-unte akong kumawala sa kanya at nagulat ako ng hindi manlang sya nagising. Tumayo ako pagkatapos ay inayos ang kumot nya bago lumabas ng kwarto dahil plano kong tulungan si Nana na maghanda ng almusal para naman makatulong ako dito sa bahay nila.

Pagbaba ko sa kusina ay nakita ko na nga si Nana na abala doon. Ngumiti ako pagkatapos ay lumapit sa kanya.

"Good morning Nana!" Bati ko.

"Good morning Belle! This will be all set in a minute. Gutom ka na ba?" tanung nya at inilalagay ang mga niluto nyang pancakes sa mesa. Umiling-uling ako.

"Tulungan ko na po kayo." Sabi ko pagkatapos ay sinundan sya papuntang kusina.

"Is Romeo still asleep?" tanung nya sa akin.

Tumungo-tungo ako.

"Nagising na po sya kanina pero nakatulog po ulit." Nakangiting sabi ko.

"I'm happy that he's getting enough rest now. Hindi katulad noon." Aniya.

Binalingan ko sya ng tingin at nakita kong pinagmamasdan nya ako. Kitang-kita ko ang saya hindi lang sa mukha nya kundi pati nadin sa mga mata nya dahil nakikita na nya ngayon na maayos na at bumabalik na muli sa dati ang kanyang apo.

Hinaplos nya ang mukha ko. "You are really his angel, Belle." Aniya. Ngumiti naman ako sa kanya.

Patapos na kami sa pagaayos sa kusina ng mapaangat kaming dalawa ng tingin ng marinig namin ang maingay na yabang ni Romeo habang pababa ng hagdan. Tumaas ang kilay ko ng makita ang busangot nyang mukha at ang nakanguso nyang labi. Diretsyo ang tingin nya sa akin at mukhang wala sya sa mood. Umayos ako sa pagkakatayo pagkatapos ay pinanuod ang mabagal nyang paglapit sa akin.

He looks so good with messy hair. Kahit kagigising nya lang ay ang gwapo-gwapo nya padin sa paningin ko. Crap! Ano bang dapat kong gawin para ako lang ang makakita ng kung ano ang nakikita ko sa kanya ngayon? Makasarili na ata talaga ako.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon