Chapter 22

2.7K 111 4
                                    


I've been so busy I'm sorry

-


Chapter 22

Pumunta kami ni Dom sa isa sa paborito naming mall na palagi naming pinupuntahang dalawa. Sa biaje, panay ang tanung nya sa akin tungkol kay Romeo. Panay naman ang iling ko sa mga tanung nya kasi sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Kami na ba? Hindi. Hindi kami hindi ba? I am just his pretend girlfriend. But he confess to me, Yes. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nag confess talaga sa akin si Romeo. Of all people? Si Romeo talaga? Hindi lang ako makapaniwala.

"I told you that it's not what you think, Dom." Sabi ko pagkatapos ay sumimsim nung kape na binili namin sa Starbucks.

"It's obvious na gusto ka nya. Matagal ko ng napapansin 'yun no. Mga bata palang tayo." Nilingon ko sya.

"What?"

Umirap sya sa akin. "Come on. Halos lahat ng tao alam. Ikaw lang ata ang hindi nakakaalam na gusto ka talaga ni Romeo noon pa."

Sandaling kumalabog ang puso ko ng dahil doon. Ngumuso ako pagkatapos ay hinarap sya.

"Papaanu mo naman nasabi?"

"Eh, lagi ka nyang inaasar noon diba? Obvious naman na nagpapapansin lang sya sayo. Inaasar ka nya para mapansin mo sya. Shaka, marami din namang umaaligid kay Romeo na babae noon pero never naman syang nagseryoso. Maybe he's waiting for you." Aniya.

"H-hindi naman siguro. Noon, lagi nya akong binubully. He clearly hates me."

"He was just trying to get your attention. You just hates him so much kaya tingin mo binubully ka nya. But I think it wasn't like that no. I really think that Romeo likes you noon pa lang. I can feel it. Believe me." Aniya at kumindat sa akin.

Hindi ako umimik at yumuko nalang. I can't believe it. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Bakit ako? Bakit ang isang tulad ko? Marami namang iba dyan. Mas maganda at mas seksi. So why me? I'm just a plain face, tapos hindi rin ako seksi, hindi katulad ng mga babaeng umaaligid sa kanya. I am far far far different sa tipo nyang babae, pero bakit ako?

Hindi nyo naman ako masisisi hindi ba? For someone like Romeo Dimitri Mondragon, hindi ako babagay sa kanya. It is just... impossible.

"Nga pala." Ani ni Dom at humarap sa akin.

"Bakit?" tanung ko.

"I'm getting facial and IV today. Gusto mo ikaw rin? I've got some coupons, sayo nalang ung isa." Aniya.

Umismid ako.

"No thanks. Hintayin nalang kita sa labas."

Hinawakan nya ang balikat ko.

"Belle! Ano ka ba! You need this. Nakikita mo ba yang mukha mo? Ang dami mong pimples! It's time to get rid of them!"

Sinimangutan ko sya pagkatapos ay tinabig ang kamay nyang nasa balikat ko. Here she goes again..

"Mawawala din 'to. I don't want to get facial and experience those damn pricking. Infact, wala na rin naman magbabago. Tanggap ko na okay? I'm not pretty. Hindi rin ako sexy so hindi na ako mageeffort pa sa mga ginagawa mo sa mukha mo no. Magpapagod lang ako."

Noo naman ni Dom ang kumunot.

"Alam mo, ang ganda mo kaya! Look at your body! Naiinggit nga ko sayo eh, ang dami mo kumain pero hindi ka naman tumataba. You're so petite. May curves ang katawan mo at para bang wala kang kataba-taba sa katawan. Maliit ang mukha mo tapos ang puti-puti mo pa. Makinis ka naman eh, except sa face. Ang tamad mo naman kasing alagaan ang mukha mo." Aniya.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon