Chapter 21

2.8K 101 3
                                    


Chapter 21

"Let's end our contract. I don't want pretentions anymore. Let's make this real."

Nanlaki ang mata ko ng dahil doon. Bago pa ako makapagreact ng dahil sa sinabi nya at mabilis nya akong kinabig para halikan sa labi. Napapikit ako ng mariin ng dahil doon. Pakiramdam ko ay hinihigop nya ang lakas ko sa mga halik nya. Mabagal lang ito at pabalik-balik sa taas at ibaba kong labi. Inilapat ko ang palad ko sa dibdib nya para sana marahan syang itulak pero kinuha nya 'yun at inilipat sa kanyang leeg at shaka nagpatuloy sa paghalik sa akin. Isang halik pa at para bang nagunaw ang lahat ng sama ng loob na meron ako, para bang nawala ang imahe ni Kristof sa utak ko at napalitan 'yun ng mga halik ni Romeo.

Sandali nya akong pinakawalan. Nang ilayo nya ang labi nya sa akin at halos hingalin ako. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng mukha ko ng dahil doon. Nangangatog ang mga daliri kong nasa balikat nya at hindi ko alam kong sa paanung paraan ako kikilos. Nang iangat ko ang tingin ko para tignan sya ay nakita kong nakaawang lang ang labi nya habang tinititigan ako. Nalaglag din ang tingin ko sa labi nyang sobrang pula. Kumurap-kurap ako doon.

"So.. what's your answer?" Halos bulong nya.

Suminghap ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung ano ang dapat kong isagot sa sinabi nyang 'yun.

"S-stop joking-"

Kumilos sya at muli akong kinabig para mahalikan. Ngayon ay literal na nanlaki ang mata ko lalo na ng maramdaman ang dila nya sa loob ng aking bibig. Hinagod nya ang likuran ko at halos malagutan ako ng hininga. Tinulak ko sya at nang lumayo sya akin ay kaagaad akong yumuko at gusto syang saktan pero hindi ko magawa. Ni, hindi ko maikilos ang buong katawan ko.

"Now, do you still think that I'm joking?" Aniya.

Nagulat ako. I don't know what to say. I was so shocked by his confession to be honest, hindi ko ito inaasahan. Never in my life na inisip kong mag co-confess ka sa akin si Romeo. Of all people? Not Romeo!

"Relax. I know it's still now me but I am willing to wait." Aniya at hinawi ang buhok ko saking mukha. "I just want you to know that I am waiting for you." Aniya

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakita kong nalaglag ang tingin nya doon.

"I will wait for you hanggang sa ako na ang laman nyang puso mo. Maybe it will take a while." Aniya at hinaplos ang bewang ko. "But I'm telling you, I'm not the kind who give up to the things I really want." Aniya at ngumisi sya harapan ko.

"..And I really want you, Belle. I want all of you so damn much." Paos na sabi nya.

Masyado akong kinabahan ng dahil sa sinabi nya kaya naman hindi ko na nagawang sumagot. Yumuko ako at pulang-pula ang aking mukha. W-what.. w-wait.. Is this real? Nananaginip lang ba ako?

"Hey." Aniya at inangat ang mukha ko. Nahihiya akong tumingin sa kanya and when I did, there's this confident smile in his face at hindi ko alam kung ano 'yun.

"I love seeing I'm affecting you." Bulong nya at hinalikan ang pisnge ko.

Pumikit ako dahil hindi ko sya magawang sapakin sa mga ginagawa nya. Normally, dapat babatukan ko sya at kaya ay sasampalin but for some reason, I can't bring myself to do that. Ni, hindi nga ako makakilos at makapagisip ng tama.

Nangangatog ang tuhod kong bumalik sa kwarto ko pagkatapos noon. Tulala akong umupo sa kama at halos hindi makapaniwala sa mga nangyari. Hinawakan ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay bumaling ng tingin sa salamin sa aking vanity. Pulang-pula ang mukha ko pababa sa aking leeg.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon