Chapter 50

2.3K 92 22
                                    


Chapter 50


What comes after break-up? Pagkatapos nyong maghiwalay ng isang tao, ano nga ba ang dapat mong sunod na gawin. Magmove-on? Paano ba ang mag move-on? Para kasing hindi naituro sa akin kung paano. Saan ba dapat ako magsimula? Sa paanong paraan ko ba dapat simulan? Paano ko ba sya makakalimutan? Paano ba sya maalis sa systema ko? Why other people bothers to fall inlove? Hindi siguro nila alam na ganito kasakit ang masaktan. Kasi ako, kung alam ko lang. Sana ay hindi ko na hinayaan ang sarili ko ng magmahal ng ganun.

Oras. Napakabagal na oras. Bawat pag pitik ng kamay ng orasan ay naririnig ko. Bawat galaw ng oras ay nakikita ko. Mabagal na namang umiikot ang mundo ko. Parang hindi na naman ako gumagalaw. Oras lang ang gumagalaw. It doesn't stop moving. Ako lang ang tumigil na.

Ilang sabi na akong hindi makatulog. Kulang nalang ay magmakaawa ako sa Diyos na sana ay makatulog na ako ng maayos. That was my only escape from pain. I don't feel anything when I'm sleeping. Mahimbing ang tulog ko. Masarap ang tulog ko. Kaya lang, sa tuwing gigising ako, pagkamulat na pagkamulat palang ng mga mata ko mukha nya kaagad ang maaalala ko. Masasaktan na naman ako. Tapos hindi ko na naman aakalaing wala na sya.

Isang linggo. Isang linggo pagkatapos ng break-up ay nakabangon na naman ako. Sa wakas ay nagawa ko ng bumaba sa kusina para kumuha manlang ng sarili kong pagkain. Nitong mga nakaraang araw kasi si Kuya Diego ang naghahatid ng pagkain ko o kaya naman ay si Dom. Hindi ko nga alam kung bakit palaging andito si Dom sa bahay. Ang sabi nya sa akin ay gusto nya lang daw akong makasama at palaging makita ng dahil nga sa pinagdaraanan ko ngayon. Tungo lang ang kaya kong isagot sa kanya. Ni pag-ngiti hindi ko magawa. Palagi ko pading naaalala ang mga nangyari. Mahirap pading huminga. Mahirap pading lumunok. Ramdam na ramdam ko padin hanggang ngayong ang basag kong puso.

Mom probably heard what happened to me sp she rushes back home. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Kuya Diego ang tungkol sa nangyari saming dalawa ni Romeo o ang tungkol sa naging relasyon naming patago. Nung una ay nagalit sa akin si Mommy dahil sa pagalis kong walang paalam. Pinagsabihan nya ako pero sa kinalaunan ay niyakap nya din ako at humingi ng tawad sa akin.

She said that she's here for me at hindi na sya aalis. Hindi ako sumagot at niyakap lang sya pabalik. Gusto kong umiyak pero wala na akong maiiyak. Maubos na ata ang lahat ng luha ko. Literal. Now, she wants to be my mother and I realized how much I miss her. How much I long for her. And how much I need her.

Dalawang linggo. Dalawang linggo pagkatapos ng break-up ay nagawa ko na ding kausapin ang mga tao sa paligid ko. Nagawa ko ng makipag kwentuhan kay Dom at makinig sa mga sermon ni Kuya sa akin. Kahit papaano ay nagagawa ko na ding magsalita ng maayos. Pero iwas padin ako. Maingat ako sa mga salitang binibitawan ko lalo na't halos lahat ng makita ko ay nagpapaalala sa akin sa kanya.

They have been very cautions too. Iniingatan nilang hindi banggitan ang pangalan nya. Alam kasi nila na iiwas ako.

Hindi ko alam kung paanong naging manhid ako at hindi ko nahalata kung anong relasyon ang meron ang kapatid ko at ang bestfriend kong si Dom. Kung hindi ko pa sila nakitang naghahalikan sa kusina ay hindi ko pa mapag dudugdog ang lahat. Hindi ako tutol sa kung ano mang meron sila. Dom is my bestfriend. Gusto kong maging masaya para sa kanya at para sa kapatid ko. Infact, she cares for me so much.

Kristof begins to call me again at sa tingin ko ay alam nya ang nangyari sa akin. Specifically, about the break-up. Sinasagot ko ang mga tawag nya sa akin at sa tingin ko ay wala namang masama doon. We talked on the phone like what we always did before. Oh, Erase that. Halos sya lang pala ang nagsasalita. Napakarami nyang kwento and I don't remember him being this talkative.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon