Chapter 56
"I'll get my hopes up if you keep staring at me like that." Matama nyang sabi kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata.
Napalunok ako. Somehow, I got lost for words. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot sa sinabi nya. Nagiwas ako ng tingin pagkatapos ay tinikom ng maiigi ang bibig ko. I shouldn't talk after all, sinasabi ko na nga ba, dapat ay nanahimik nalang ako.
"I'm sorry. I just.. miss you." Mahinang-mahinang sabi nya. Sa sobrang hina nun ay para na itong bulong pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay malinaw ang pagkakarinig ko dito. Hindi ko sya sa sinagot sa halip ay binalingan ko sya ng tingin ay nakitang nakayuko sya at nakatitig sa nakayukom nyang kamao. His looks in his eyes are unreadable. Halo-halo ang emosyon dito. Sakit, galit, pagsisisi lahat na. Sunod na nalaglag ang tingin ko sa kamao nyang napupuno ng peklat. It seems like he's been fighting a lot.
Buong biaje ay tahimik lang kaming dalawa. Walang umiimik. Ayoko ding magsalita dahil unang una sa lahat ay hindi ko din alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at napaisip. What am I doing? Gusto kong sapakin ang sarili ko. Why am I in the same car as him? Why did I came back for him? Bakit? Dapat nasa bahay na ako ngayon at nagpapahinga dahil maaga ang OJT ko bukas. Crap.
Ilang sandali pa ay nakarating na din kami. Lumunok ako nang sandaling bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala na mayroon ako sa bahay na ito. Bumalik sa akin ang gabi na kumakatok ako sa pinto ng bahay na 'to dahil naglayas ako sa amin at dahil gusto kong makasama si Romeo. Bumalik din sa akin ang gabing umiiyak akong umalis pagkatapos ng malalang pagaaway naming dalawa.
Nakahinto na kami sa tapat ng bahay pero walang gumalaw sa aming dalawa ni Romeo. Wala ding nagsalita. Pakiramdam ko nga, nagpapakiramdaman kaming dalawa. I felt his stare at me but still I didn't look at him. Nakatuyo lang ako at nakatingin saking palad.
"Come inside." Sabi nya. Nagulat ako ng dahil doon. Umiling-iling ako.
"Hindi na. I need to go home. Maaga pa ako bukas." Sabi ko. Hindi lang naman excuse 'yun. Totoong kailangan ko ng umuwi dahil maaga pa ang pasok ko sa OJT bukas. Also, kailangan kong bumawi dahil puro mali-mali ang mga nagawa kong trabaho kanina sa office dahil wala ako sa sarili.
"You came all the way here. At least I could offer you some water." Sabi nya sakin. It's not a question but a statement.
Ilang segundo pa akong nakipaglaban sa isip ko kung papayag ba ako o hindi pero sa kabila ng pakikipag talo ko sa isip ko kinalunan ay pumayag din ako convincing myself that I am thirsty kahit na hindi naman talaga. Pumasok ako sa loob ng bahay at para bang sinampal kaagad ako ng maraming ala-ala. Sinundan ko ng tingin si Romeo papunta ng kusina pagkatapos ay kumuha ng tubig sa ref. Umupo naman ako sa sofa at pinagmasdang mabuti ang paligid. Ilang buwan na ang nakakaraan simula nung huling pagpunta ko dito at wala manlang ni isang nabago sa itsura lang lugar na ito. It's still huge and clean but somehow it feels empty that Nana is not here.
"Here's the water." Aniya at inilapag sa center table ang tubig. Kinuha ko naman yun at ininom. Napapikit ako dahil narealized ko na oo nga, uhaw na uhaw ako. Siguro ay talagang nanuyo ang lalamunan ko kanina. Nakita kong umakyat si Romeo sa second floor at naiwan ako doon magisa sa salas. Akala ko nung una ay bababa kaagad sya pero trenta minutos na ang nakakalipas at hindi padin sya bumababa. Nakatulog na ba sya sa taas? At iniwan ako dito magisa?
Feeling dumfounded, tumayo ako sa kinauupuan ako at naglakad papunta sa pintuan para sana umuwi. How dare he invite me inside kung iiwan nya lang pala ako dito sa salas mag-isa? Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatigil sa paglalakad. He looks sick and fragile earlier, what if he passed out sa itaas and he hit his head on something tapos duguan na sya doon ngayon? Kumurap kurap ako pagkatapos ay kulang nalang batukan ang sarili ko sa mga iniisip ko. Belle, are you crazy or something?
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomanceBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...